CORTEZ: KUMANDER LIWAY

September 24, 2012 at 11:10 am Leave a comment


BOK NANI BRAGANZA, dati siyang si Ka Liway or Kumander Liway ng Visayas Command ng armadong pakikibaka, nahuli…nakulong…lumutang sa mainstream work for the oppressed and exploited at ngayon siya na si Ma. Cecilia Flores-Oebanda na head ng Visayan Forum Foundation Inc.

Ngayon nahaharap siya sa isang bintang na hindi niya daw maacount ang halagang P210 million mula sa USAID.

Maganda at recognized ang trabaho at accomplishments ng Visayan Forum Foundation pero kailangan nating malaman ang katotohanan sa mga paratang laban kay Kumander Liway.

Ito po ang nasabi niya sa mga accusation sa kanya ‘“I don’t know why they are doing this to us, we just worked to help others in need, especially the poor.”

Kumusta na po kayo, BM Niño Arboleda, ang BM ninyo sa 5th district!

KUMANDER SONNY. Speaking of kumander, si PD Sonny Versoza naman ang Kumander Sonny ng buong Pangasinan Provincial Police Command.

Atty Jazon Collado, kumusta na pala ang pulitika sa Alcala? Marami na daw nakakakuha ng death threats diyan through text messages.

Pati si Engr. Rey Mencias ay may death threats na rin, kahit hindi naman siya kandidato. Sana naman huwag na nilang idamay sa pulitika si Engr. Mencias.

Si vice mayor Paolo Mencias ang napili ng Nationalist Peoples Coalition na kandidato for mayor para sa Alcala.

Nabangit niya pala na hindi niya pa puedeng ilagay agad si Superintendent Noel Vallo bilang chief of police ng Dagupan City kasi up to September 24 pa ang tour of duty niya sa Calasiao.

Approve naman pala kay Kumander Sonny ang recommendation ni Mayor Benjie Lim na si Vallo ang ilagay na hepe sa Dagupan, hintayin na lang matapos ang tour of duty niya sa Calasiao.

Manong Saffe Villar ng 5th district, kumusta na po kayo? Malapit na naman ang filing ng certificate of candidacy sa October 1 to October 5 at mula 8am up to 5pm na lang pala ang filing ha!

Wala nang midnight filing ng candidacy na nakagawian na ang maraming kandidato.

Nakarating na po ba sa inyo na may mga naglo-lobby na subukan niyo uli bilang board member sa 2013?

KUMANDER KANIN. Bok Nani Braganza, naaalala mo pa ba si Kumander Kanin? Ito ang Kasama na malakas sa kanin. Kung ikaw ay tinanong ng “kumain ka na ba?’

Ang tunay na kahulugan nito ay kumain ka na ba ng kanin? Hindi ba, Bok Nani?

Uso na pala ngayon ang brown rice dahil sa kanyang nutritional value at economic value.

Kung kayo pinapabawasan ng mga doctor ang pagkain ng white rice kung kayo ay may sakit ng diabetes o sakit sa puso, puede kayong kumain ng kanin basta brown rice.

May isang panahon sa ating kasaysayan na ang brown rice ang bigas na isinasaing ng ating mga ninuno. Wala pang white rice noon.

Noong dumating na ang white rice, naging bigas ng mahirap ang brown rice. Kaya ka lang makakatikim ng brown rice ay kapag may sakit ka.

Bakit kaya hindi tayo kumain ng brown rice kahit walang sakit?

Ang isang question ay bakit mas mahal ang presyo ng brown rice kesa white rice?

Sasabihin ng mga ekonomista, demand and supply siyempre. Konti ang bumubili ng brown rice kaya mataas ang presyo. Marami ang bumubili ng brown rice kaya mas mababa ang presyo.

Pero sa totoo lang, mas mura pa rin ang brown rice. Ang dalawang kilo ng brown rice ay naisasaing sa 7 na meals habang ang 2 kilo ng white rice ay naisasaing namin sa 3 meals lang.

Ang pag-alsa ng 2 takal ng brown rice ay katumabas ng pag-alsa ng 5 na takal ng white rice sa rice cooker.

Php52 per kilo ang brown rice habang PhP35 per kilo ang white rice. Do the math.

KUMANDER ANONG. Hehehe. Presidente Onyok, marami na nag naisulat sa sa topic na On Loving A Man With A Weakness For Women.

Si Kumander Anong ay minsang naging kasama ni Kumander Jun na ngayon ay isa nang mataas na provincial official sa isang probinisya sa Luzon.

Si Kumander Jun ay isang taong matulis pag dating sa babae. Magaling mag-take advantage sa panahon na nag-iisa at nagugulahan ang isang babae kaya naman nakarami siya noong kabataan niya…ewan ko lang ngayon kung meron pa.

Sabi ni Kumander Anong na maraming babae na nakaranas ng pang-aabuso ng mga lalake ang naging less loving at less friendly dahil sa takot nilang masaktan muli.

Of course ang sabi pa niya sa mga kababaihan ay pag-aralang mabuti ang magiging ka-relasyon dahil mahirap na ang magkamali.

Dagadg pa niya, puede pang ma-correct ang isang pagkakamali pero mas maganda hindi ka magkakamali para wala ka nang iwawasto.

Advertisements

Entry filed under: News.

China Cannot be an Aggressor Forever – FVR EDITORIAL: Thoughts of Conrad Estrella III

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 915,591 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

September 2012
S M T W T F S
« Aug   Oct »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,430 other followers


%d bloggers like this: