CORTEZ: Espino vs. Agbayani!

September 1, 2012 at 8:54 pm Leave a comment



Hay naku! Mali kayo kung akala niyo ay gobernador ng Pangasinan ang tinutukoy ko. Hehehe

Si Gov Espino ay 2nd term na at si Gov. Agbayani ay pahinga muna.
Pero ano ba itong narinig ko na Espino vs Agbayani na naman daw ang usapan na kandidato mula sa Pangasinan para maging DILG secretary.

Hindi lang naman silang dalawa ang lumutang na pangalan, marami pang iba.

Ka Henry Bacurnay, kumusta na po kayo? USec Henry na ba?

Si Ka Henry po ay president ng Board Members League of the Philippines.

Balita ko umupo na siya bilang Usec for Extenal Affairs sa Palasyo at ang immediate Boss niya ay si Executive Secretary Paquito Ochoa.

Matagal po at malalim ang pinagsamahan ni Ka Henry at Usec Ochoa lalo na noong pahanon ng kampanya para kay PNoy.

Hindi na nga nakapaglunsad ng matinding campaign si Ka Henry para board member ng La Union dahil very busy sila para kay PNoy.

Nanalo pa rin si Ka Henry bilang board member at nanalo naman si PNoy bilang president.

BOK NANI BRAGANZA, gusto mo bang maging DILG Sec si Gob Espino? Hahaha!

Vice Gov Ferdie Calimlim, anong say mo sa posibilidad na magkaroon ng DILG Sec Espino?

Siyempre, wait na lang natin ang desisyon ni PNoy kung sino ang susunod na DILG Sec.

TOP 10 NURSING… PANGASINAN: ZERO! Bakit ba walang nag-top ten man lang na graduate ng nursing school sa Pangasinan?

Bakit wala ding school sa Pangasinan ang na sa top ten in terms of passing rate.

Totoo po ba ang sinasabi ng iba diyan na bulok talaga ang ilang nursing school sa Pangasinan.

Kung mababa ang passing rate ng mga nursing schools sa Pangasinan, saan mapupunta ang mga nursing school graduates?

Kawawa naman ang mga magulang na karamihan ay mga magsasaka na nagpa-aral sa mga nursing schools sa Pangasinan.

Alam niyo po ba na ayon sa Philippine Regulatory Commission (PRC) na noong 2011 nurse licensure examination ay 35 ang pumasa out of 70 or 44.30% ang pasado sa Collegio de Dagupan?

At 168 out of 595 or 28.21% naman ang pasado mula sa Lyceum Northwestern Dagupan City habanag maganda naman ang performance ng PSU Bayambang kung saan 37 out of 43 or 86.05% ang pasado.

Ang Perpetual Help College of Pangasinan ay merong 8 out of 66 or 12% na pasado habang ang Panpacific University North Philippines ay may 36 out of 270 or 13.33% na pasado.

Ang University of Luzon naman ay merong 44 out of 141 or 31.21% na pasadao habang ang University of Pangasinan ay may 109 out of 311 or 35.05% na pasado.

Sa mga pumasa good luck sa job hunting. Sa mga hindi nakapasa…?

ROSALES POLITICS. Vice Mayor Romy Sim, kumusta na po kayo diyan sa Rosales?

Si Vice Mayor Jojo Estrella Pajela at Councilor Mark Yu yata ang magtatambal para sa 2013.

Si ABC President Susan Casareno at Harry Bernabe din daw para sa 2013.

Si Mrs. Patricia Revita at Ric Revita naman ay sasabak din sa 2013.

Sino po ba iyong 4th pair na malapit nang magdeclare para sa 2013?

UMINGAN POLITICS! Abono President Onyok Onia, kumusta na po kayo?

Mukhang plantsadong plantsado na ang pulika diyan sa inyo.

Maganda ang tulungan nila Mayor Eldred Tumbocon at Vice Mayor Alain Rabang kaya walang matinding isyu na lumalabas.

Dahil maganda ang handling sa pulitika ng Umingan, mukhang walang malakas na babangga sa kasalukuyang administrasyon.

BINALONAN POLITICS. Abono 5th District Coordinator Rio Esteves, kumusta na po kayo?

Butas-butas na naman ang national highway doon sa BInalonan.

Last term na pala ni Vice Mayor Butchoy Legaspi at siya ay maaaring humarap kay Mayor Mon-mon Guico sa 2013.

Former Mayor Monching Guico, ano po ba ang masasabi niyo sa posibilidad na ito?

Entry filed under: News.

City officials, Abono conduct medical-dental mission

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 972,836 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

September 2012
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: