CORTEZ: Alagaan ang atay

July 28, 2012 at 2:48 pm Leave a comment


CIRHOSSIS. Si Pareng Jun ay 64 years old na at nasa Dagupan siya ngayon katulad ni Pareng Ronald na ngayon ay 51 years old na nasa Urdaneta ay nabubuhay na may sakit na cirrhosis.
Kumusta na po kayo MAYOR NANI BRAGANZA? HAPPY BIRTHDAY! Alam niyo po ba na Ang cirrhosis ay souvenir ni Pareng Jun dahil minsan sa isang mahabang kabanata ng kanyang buhay ay nagkahilig siya sa alak?
Ang cirrhosis ay souvenir din ni Pareng Ronald dahil hanggang ngayon ay mataas pa rin ang konsumo niya ng alak.
Peraho silang laging nakakaramdam ng napakatinding sakit ng tiyan pero ang kaibahan ni Pareng Jun at ni Pareng Ronald ay ganito.

Si Pareng Jun ay diagnosed na may cirrhosis kaya naman ginagawa niya ang lahat para maiwasan ang patuloy na paglala ng kanyang sakit.

Si Pareng Ronald naman ay hindi diagnosed na may cirrhosis kaya naman tuloy pa rin siya sa pag-inom ng alak araw araw.

Ang cirrhosis ay isang sakit na incurable (hindi nagagamot)… progressive (tuloy tuloy na lumalala,.. at fatal (patay kang bata ka!)

Si Fernando Poe Jr ay may liver cirrhosis…at patay na siya.

MANG DOLPHY. Ang hinangaan kay Mang Dolphy ang hindi niya pagpasok sa pulitika kahit kayang kaya niyang manalo.

Rep. Gina De Venecia Kumusta na po kayo? Alam niyo po ba na pareho pala kayo ng iniisip ni BM Ranjit Shahani na bigyan ng recognition si Mang Dolphy?

Hindi pumasa iyong kay BM Ranjit dahil hindi daw taga-Pangasinan si Mang Dolphy.

Sabi naman nang iba, hindi man taga-Pangasinan si Mang Dolphy…maramin naman na taga-Pangasinan ang napatawa ni Mang Dolphy.

Minsan siyang natanong kung bakit hindi siya pumapasok sa pulitika at ang sagot niya ay “Huwag na. Natatakot ako.”

Bakit kayo natatakot eh siguradong mananalo kayo? At ang sagot niya ay “Doon ako natatakot, eh. Baka manalo ako. Madaling tumakbo, paano kung manalo?”

Former Rosales Vice Mayor Romy Sim, kumusta na po kayo? Alam niyo po ba na si Mang Dolphy died a BINATA? As in single?

Si Mang Dolphy ay merong seventeen biological children at one adopted daughter. Si Mang Dolphy ay nagkarelasyon sa ibang babae na hindi niya naanakan.

Ang una niyang karelasyon na nagkaanak siya ay si Engracia (Gracia )Dominguez, at ang mga anak ay sina 1. Manuel (Manny Boy), 2. Sahlud (Sahlee), 3. Rodolfo, Jr. (Junior), 4. Freddie (Baby), 5. Edgar, 6. Raul (Rolly).
Ang sumunod na babae sa kanyang buhay ay si Gloria Smith at ang mga anak niya dito ay 1. Mariquit, 2. Carlos, 3. Geraldino (Dino), 4. Edwin.
Sa aktres na si Baby Smith (Pamela Ponti), ang mga anak niya ay sina 1. Enrico (Eric Quizon), 2. Jeffrey (Epi Quizon), 3. Ronaldo (Ronnie Quizon), 4. Madonna (Donna)
Sa isang nurse na si Evangeline Tugalao ang anak niya ay si Rommel.
Kay Alma Moreno si Van Dolph.

At sa letter Z… kay Zsa zsa Padilla sina Zia at Nicole (adopted).
Nagkaroon din siya ng relasyon kay Pilar Pilapil at Lotis Key.
BAGYONG FERDIE. Kumusta na po kayo Vice Governor Ferdie Calimlim? Busy busy pa rin pala kayo na umiikot at nagdadala ng grass cutters at water pump para sa mga barangay kahit na may bagyo.
Ang mga susunod na bagyo ayon sa PAG ASA pagkatapos ng Ferdie ay Gener, Helen, Igme, Julian, Karen, Lawin, Marce, Nina at Ofel.
Very Healthy si Vice Gov Ferdie dahil hindi siya nababakante ng activities na pinupuntahan.
Ang susunod pa na bagyo ay tatawaging Pablo, Quinta, Rolly, Siony, Tonyo, Ulysses, Vicky, Warren, Yoyong, at Zosimo.

Kumusta na po sa pinaka-active na naging PCL president ng Pangasinan na si BM Dong Perez?

Laging naka-smile si BM Dong Perez. Na-observe ko lang na laging nauuna sa venue si BM Dong Perez bago magsimula ang isang activity.
Madaling kausapin si BM Dong Perez kasi sanay siyang makiharap sa mga tao bilang doctor.
Gustong-gusto siya ng mga konsehal ng Pangasinan.
At kapag naubos na ang mga iyan na hindi pa tapos ang 2012 may reseba pang mga pangalan ng bagyo na Alakdan, Baldo, Clara, Dencio, Estong, Felipe, Gardo, Heling, Ismael, at Julio.

Entry filed under: News.

Canada hit for unfair trade, meddling on QR on rice EDITORIAL: No to privatization of public hospitals

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,343 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

July 2012
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: