CORTEZ: Senator Mark Cojuangco

February 27, 2012 at 9:14 am Leave a comment


SENATOR MARK COJUANGCO. Sa mga nagkakalat na tatakbo daw si former Pangasinan 5th district Rep. Mark Cojuangco bilang governor ng Pangasinan, itigil niyo na po iyan.
Si Gov. Jun Espino na po ang nagsabi na si Rep. Mark Cojuangco ay pang Senado.
Naibulong na rin po sa akin ni Bos Sendong na interesado si Cong. Mark Cojuangco sa Senado.
Opo gov, hindi po Cojuangco ang kalaban sa 2013.
Kaya ipagkalat niyo na lang ang MARK COJUANGCO para Senador!
Minsan nang sinabi ni Cong. Mark na ‘It is a national projection and fact that we will need an additional three (3) Gigawatts (3,000 megawatts) of base load capacity by the year 2012.’
Kapag hindi natin nadagdangan ang base load capacity ng bansa…mauulit na naman ang madalas na brownouts.
Ngayong 2012, asahan niyo na madadalas ang brownouts na sinasabi ni Cong Mark Cojuangco. Ibinigay niya nay un babala noong nasa congress pa siya kaya lang hindi pinalusot ang kanyang panawagan na buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant.

Sinabi na rin ni Cong. Mark Cojuangco na ‘There are two choices left when it comes to power generation, we continue with our traditional way of burning fossil fuel which presently accounts for approximately 65 percent of our capacity or go nuclear and other renewables.’

Matagal na pong alam ng mga mayayamang bansa na pinakamurang kuryente ang naihahatid ng nuclear power. Mas mura pa kesa hyrdo electic power. Mas mura pa kesa geothermal power.

Pero ang Pilipinas ay nagbubulgbulagan at nagbibingi-bingihan sa katotothanang ito dahil sila ay natatakot na masama daw ang nuclear power.

Mas okey sa kanila ang kuryente mula sa langis na napakadalas ng pagtaas ng presyo.

Ang ipinaglalaban ni Cong Mark Cojuangco ay ang pag-unald ng agrikultura sa Pilipinas.
Sa 5th district lang ng Pangasinan ay makikita mo ang napakaraming projects at programs na makikita mo pa ngayon kahit hindi na si congressman.

Addan kadagiti im-ima tayo ti bileg a mangbalbaliw ti masangoanantayo tapnon mapasayaat. Addan a sigud. Ti Dios bendisyonanna tayo.

JUETENG IS BACK. BOK NANI BRAGANZA, kumusta na kayo diyan sa Alaminos City, Pangasinan! Balita ko may mga nahuli diyan na kubrador na nagdadala ng mga taya sa ibang bayan. Pahuli mo silang lahat.

May Jueteng na naman daw sa Ilocos Norte, La Union at Pangasinan ayon kay DILG Sec. Robredo.

Archbishop Cruz, May Jueteng n namn daw sa Ilocos Norte, La Union at Pangasinan ayon kay DILG Sec. Robredo.

Tinanong ako nang isa kong kakila sa Mindanao kung kakilala ko daw ba si OSAMA DIN POE.

Pinsan niya si Osama Bin Laden at pareho silang kinatatakutan. Kung si Osama Bin Laden ay kinatatakutan, si Osama Din Poe ay kinatatakutan din.

Valentine message: Ang tunay na asawa, niyayakap ka kapag malamig. Hindi iyong malamig na nga huhubaran ka pa. hahaha

TEN FOR DISOBENDIENCE TO THE SC. 13-10 ang lumabas sa botohan ng impeachment court tungkol sa temporary restraining order (TRO )sa pagbubukas ng foreign currency deposit account (RA6426).

May batas ang bansa na hindi puedeng buksan ang foreign currency deposit ng kahit sino kung wala siyang pahintulot at ito ay pinanindigan ng Korte Suprema.

Abono party-list 5th District Coordinator Rio Esteves, kumusta na po? Nanaig ang rule of law.

Sampo (10) na senador ang gustong ibalewala o huwag sundin ang TRO ng Korte Suprema.

Sampo (10) na senador ang gustong ibalewala o huwag sundin ang batas na nagbabawal pabuksan ang foreign currency deposit.

Narito po sila.

Sabi ni Trillanes na itinuro daw sa Philippine Military Academy (PMA) na puedeng mag-disobey ng unlawful order.

Kung si Trillanes ay bumoto na against sa TRO ng Korte Suprema dahil ito ay batay sa turo ng PMA na To disobey unlawful orders…ibig sabihin ba na si Honasan ay nag-obey ng unlawful order?

Ano ba iyan, dalawang graduate ng PMA magkaiba yata ang natutunan!

Ang iba pang bumoto para mag-disobey sa ruling ng Korte suprema ay ang mga taga Liberal Party na sina Drilon, Pangilinan at TG Guingona.

Si Drilon po ay former Secretary of Justice ni Pangulong Gloria Arroyo at minsan din niyang sinabi na ilipat na lang ang malakanyang sa Iloilo dahil dumadalas ang mga anti-GMA na rally sa Manila.

Si Pangilinan po ang Mr. Noted noong nagbibilangan ng mga boto para sa president at dahil sa kanyang Noted na aksiyon sa lahat ng protesta ng kampo ni FPJ ay naiproklama si GMA bilang presidente.

Si TG naman po ay anak ni Teofisto ‘Tito’ Guingona na naging Vice President ni GMA pagkatapos nilang patalsikin si Erap sa Malakanyang noong 2000.

Si Tito Guingona ay tumakbong Senador noong 1998 sa LAKAS NUCD ticket kung saan si De Venecia ang kanyang Presidente at si GMA naman ang kanyang Vice President.
Ang kandidatong president ng Liberal Party at ikinampanya ni Tita Cory ay si Gen. Alfredo Lim.
Dito rin nanalo si Benigno Simeon Aquino bilang congressman ng Tarlac sa ilalim ng Liberal Party.
Hindi na tumakbo si VP Guingona noong 2004 election at naging kakampi siya ni GMA kaya siya ginawang Ambassador to China.
Matagal na rin nating alam na si Trillanes at Lacson ay susunod sa kagustuhan ni PNoy kay for disobedience din sila.
Si Angara naman ay bumoto daw for disobedience kasi nasa prosecution panel ang kanyang anak na congressman na gustong makasama sa administration ticket para sa senador.
Ang magkapatid na Cayetano naman daw bumoto para sa disobedience dahil may electoral protest si former mayor Tinga laban kay mayor Lani Cayetano.
Si Lapid naman daw ay bumoto para sa disobedience para hindi masibak ang kanyang anak na si Mark Lapid bilang Chief Operating Officer (COO) ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) bagong pangalan ng Philippine Tourism Authority.
Si Osmena ay bumoto daw para sa disobedience dahil talagang Aquino ang kakampi niyan.
HAPPY BIRTHDAY JUAN PONCE ENRILE. Eto po ang pinadala sa akin ng friend natin na si Tess: Repost from Leslie Bocobo: Birthdays. God is fair. He gave Kris Aquino to the nation on Valentine’s Day but He also gave us Juan Ponce Enrile to make up for this mistake. Hehehe.
ACQUITTAL NI CJ CORONA PALUSOT NI PNOY. Bakit naman sinabi ni Presidente PNoy na hindi niya masusugpo ang corruption kung maa-acquit si CJ Corona?
Pang ang sinasabi ni PNoy ay hindi niya kayang masawata ang corruption kapag na-acquit si CJ Corona.
Hindi trabaho ng Ombudsman ang labanan ang corruption? Na meron pang Inter-Agency Anti-Graft Coordinating Council (IAAGCC).
Kaya niya binigyan ng matinding Presssure si former Ombudsgirl Merci para mapalitan niya ng kanyang appointee na si Ombidsgirl Conchita Carpio Morales.
Wala ba siya tiwala sa kanyang ipinalit na ombudsgirl?

At siyempre meron diyan na opisinang Sandiganbayan.
Hindi ba nadiyan din ang Civil Service Commission para bantayan na walang katiwalian sa gobyerno?
TALAMAK NA DROGA! PINATAY SA LAMAY! Opo bumalik na po ang iligal na droga sa isang barangay sa isang bayan sa eastern Pangasinan.
Wala pong nagawa ang pulisya kahit ilan beses na nagpalit ng hepe sa naturang bayan.
Wala din daw ginagawa ang kapitan ng barangay para mahinto ang iligal na droga dahil sabi nila ay alumni siya ng gumagamit ng iligal na droga. Hehehe.
Meron pang isang pangyayari daw diyan sa barangay na iyan. May isang vendor ng tupig na nakikipaglamay. Tinabihan siya ng dalawang lalaki…at mamaya lang ay patay na siya.
Ang pinatay ay mga 32 years old lang, mula sa mahirap na pamilya, akyat…baba sa bus para magtinda ng tupig.
Ang mga pumatay ay hindi daw nakita ng mga nakakita.
Ang mga pumatay ay hindi daw nakilalala ng mga nakakilala.
Ano ang kahihinatnan ng imbestigasyon? Eh, di wala! Hehehe

Entry filed under: News.

TRADITIONAL COURTESY CALL Fishermen want compensation for oil spill damages

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 947,577 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

February 2012
S M T W T F S
« Jan   Mar »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
26272829  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,453 other followers


%d bloggers like this: