CORTEZ: Defend the Chief Justice

December 29, 2011 at 10:25 am Leave a comment



BIGAS NOODLES AT DELATA, SAGOT SA KALAMIDAD! Ang sakuna na dala ng bagyong Sendong ay mauulit pang muli at mauulit pang muli hanggang ang kaisipan ng mga opisyal ng gobyerno, mga malalaking media outfits, mga non-government organizations at charitable organizations ay naniniwala na ang mga Pilipinong tinatamaan ng sakuna mapapatalima na sa pamamagitan ng relief goods na ang laman ay bigas, noodles at de lata.

Iyan ang kamulatan ng maraming opisyal ng gobyerno, kahit na dito sa Pangasinan. Ang akala nila, sa pamamagitan ng relief goods ay okey na ang mga nabibiktima ng kanilang kawalan ng preparasyon o kung meron may maling preparasyon sa bagyo.

Ako ay sumusuporta kay Chief Justice Corona.

Judge Ulysses Butuyan said, “I’m very, very sure that we are more solid than ever. In fact, not only the members of the judiciary have thrown their support to CJ Corona but also all the people who love democracy.”

Ako ay para sa separation of powers.

He continued, “For any other department to openly criticize a judgment by the Supreme Court and use it as a ground for impeachment… that would be an attack or an insult upon the principle of separation of powers and the integrity of the judiciary.”

USELESS NDRRMC! Ang buong National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang dapat managot sa mahigit isang libong namatay at mahigit isang libong nawawala sa pagdaan ng bagyong Sendong? Mali ba?

Ang buong NDRRMC ang dapat managot sa lahat ng material destruction na naganap sa pagdaan ng bagyong Sendong? Mali ba?

Ang NDRRMC ay binubuo ng 21 Aquino Cabinet secretaries, 17 presidential bureaucrats, advisers at sangkatutak na local political leaders.

SIBAKIN ALL OF THEM! Kitang kita na isa sa major na dahilan sa pagabaha ay illegal logging kay dapat lahat ng opisyal at empleyado ng DENR sa Northern Mindanao, kasama na si Sec. Paje ay sibakin na dahil hindi nila naipatupad nag total log ban ni PNoy!

Huwag na nilang isisi sa climate change. Kalbo na ang mga bundok kaya walang huwag sa ulan na dala ng bagyong Sendong.

Siyempre ang ugat ng illegal logging ay nakakawing sa pagtataguyod sa interest ng profit ng industrial capital.

May mga lalaking dahil sa kahinaan ng personalidad ay patuloy na nambababae at ito ay naguugat sa kanilang maling pagtingin sa babae.

Ang tingin nila sa babae ay aliw. Katawan lang ang kanilang nakikita habang pinaglalaruan nila ang isipan at puso ng babae.

Ito ang mga makasariling lalaki na walang katapusang nambababae.

Nagkakaroon ng tunay na pagbabago sa mga lalaking ito kung kanilang matututunan at mapapaunlad ang kanilang pagtingin sa babae na dapat nirerespeto katulad ng kanilang pagrespeto sa kanilang ina at mga kapatid na babae.

Matatapos ang pambababae ng mga lalaki kung sila ay matured na emotionally, mentally at spiritually.

BOK NANI BRANGANZA ng Alaminos City, Pangasinan kumusta na po kayo? Marami pala kayong kaibigan sa 6th district ng Pangasiann na naniniwala sa inyong kakayanan bilang leader.

Alam mo ba, Bok Nani, na nagalit na naman ang isang mataas na opsiyal sa isang probinsiya sa Luzon dahil maraming nagconfirm na mayor sa kanyang ipinatawag na party pero konti lang ang dumating?

Naaalala mo pa ba iyong lesson natin noon sa UG na and titulo ay The Origin of the Family, State and Private Property na sinulat ni Marx at Engels?

Naniniwala sina Marx at Engels na ang tao at lipunan ay patuloy na umuunlad patungo sa mas mataas ng porma at uri ang pamumuhay.

Ayon kay Engels, sa patuloy na pag-unlad pamilya at sex, mayroong 3 stages na pinagdaraanan ang kasal at pamilya.

Ang unang stage ay savagery, kung saan wala pang konsepto ng pamilya. Dito mayroong unrestricted sexual freedom. Ang bawat babae ay para sa lalaki at ang bawat lalaki ay para sa babae.

Ang pangalawang stage at barbarism, kung saan naimbento na ang paired marriage. Kaya lang ang mga lalaki ay may mga pag-aaring mga alipin at sila ay nakikipag-sex sa mga ito.

Ang pangatlong stage ay monogamy, kung saan dapat kang maging tapat sa iyong asawa.

Pero ano ba nag nangyayari ngayon? Ang mga mayayaman at makapangyarihan sa ating lipunan ay hindi nagpapractice ng monogamy. Patuloy nilang pinagsasamantalahan ang kahirapan ng mga pobreng kababaihan.

Marxists have a deep respect for life. They treasure the many important aspects of life – love, sex, family life, relationship between friends, the bonds between fellow men and women. In short, everything that life holds dear.

HAPPY NEW YEAR sa lahat ng babaero, magbabago pa ba kayo?

Entry filed under: News.

Keep everything simple—Vice-Gov. Calimlim EDITORIAL: When a governor goes bad…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 972,632 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

December 2011
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: