CORTEZ: Eight to exonerate Corona

December 23, 2011 at 2:22 pm Leave a comment



MERRY CHRISTMAS muna sa lahat. Para sa mga Christians, the message of Christmas, the gift of the son of God and the salvation He brings, is best exemplified when the holiday brings with it gifts that bring joy to the less fortunate.

Ang mga pabor at mag pabor kay Supreme court Chief Justice Renato Corona ay nag-aanalyze ngayon kung paano ang magiging botohan ng 23 senators sa impeachment trial.

Ayon sa Constitution, kailangan ng two-thirds (16) vote ng lahat ng senators para makakuha ng conviction.

Kailangan naman ni CJ Corona ng one third (8) vote ng lahat ng mga senators para ma-exonerate.

Ayon din sa Constitution, ang impeachment ay political exercise na gagawin ng 23 senators mula sa January 16 next year.

Walo (8) ang inihain na reklamo ng mga taga-congress na umaaligid sa konsepto ng culpable violation of the Constitution, corruption, at betrayal of public trust.

Isa lang sa walong reklamo na makitaan ng mga senador na si CJ Corona ay guilty, tapos na ang pagiging Chief Justice niya.

BOK NANI BRANGAZA ang Alaminos City, Pangasinan, kumusta na po kayo?

Anim (6) na members ng House of Representatives ng Pangasinan ay kasama sa 188 na pumirma ng Corona impeachment. Narito po ang kanilang number at pagkakasunod sa listahan ng pumirma: (36)Gina De Venecia 4th district, (45) Ma. Rachel Arenas 3rd district, (46) Kimi Cojuangco 5th district, (88) Jesus Celeste 1st district, (162) Leopoldo Bataoil 2nd district, at (176) Marlyn Primicias-Agabas 6th district.

Itinatali ni Pnoy ang issue ni Corona kay Aling Gloria at ang isyu ay dumidikit kay Corona kahit hindi dapat.

Hindi po iyong bansag ni CJ Corona na nagiging diktador na si Pnoy ang masakit.

Mas nasaktan daw po si PNoy sa speech ni CJ Corona nang sabihin niya, “Mapalad po ako na mayroon akong isang mabait at matatag na kasama sa buhay, na siya ring pinagkukunan ko ng lakas at inspirasyon. Mahal na mahal kita, Tina.”

Walang mabait at matatag na kasama sa buhya si PNoy na pinagkukunan niya ng lakas at inspirasyon.

COUP AGAINST ENRILE! Matagal nang sinasabi ni Senate President Enrile na: “As I have said, I am ready to give this position to anybody who can present to me 13 names. They can have it. I am not clinging to this position. From day one I told Senators (Franklin) Drilon, (Francis) Pangilinan and everybody that anytime they do not want me anymore just present to me the numbers. If they want me to resign, I will resign. They can get somebody else to take over.”

Merry Christmas po Vice Governor Ferdie Calimlim! Ang sipag sipag niyo talaga. Buong taon hindi siya naubusan ng activities na nakakatulong sa mga taga-Pangasinan. Ang mga TODA ng Urdaneta City ay nagpapasalamat sa mga megaphone na natangap nila mula kay Vice Gov Calimlim.

Gusto ni PNoy na kanya ang Senate President para maigiya nila na ang gusto nila na matangal si CJ Corona.

Ang grupo ni Senate President Enrile ay sina Gringo Honasan, Antonio Trillanes, Jinggoy Estrada at Tito Sotto. Siyempre suportado pa rin siya nila ng Nationalista Party nila Manny Villar, Loren Legarda, Bongbong Marcos at magkapatid na Cayetano. Nandiyan pa ang mga independent minded na sina Joker Arroyo, Mirriam Santiago at Chiz Escudero. Ang natitirang Lakas Party na sina Bong Revilla at Lito Lapid ay nariyan din.

Gusto rin ni PNoy na maliban sa pagtangal ng chief justice ay matangal din ang lahat ng appointees ni Aling Gloria para appointees niya naman ang nakaupo sakaling maging ex-president na rin siya.

Kailangan niya ng Ombudsman na siya ang nagtalaga, kailangan niya rin ng Supreme Court na siya ang nagtalaga para sa matuwid na daan.

Pero kung matuwid na daan ang tatahakin ni PNoy hindi na niya dapat kailangan ang Ombudsman dahil hindi naman siya magiging korap na president.

Kung matuwid na daan ang tatahakin ni PNoy hindi na niya dapat kailangan ang Supreme Court dahil hindi naman siya magiging korap na president.

Ano naman ang karapatan ni Sec. De Lima na sabihing ‘we will regain the supreme Court for the people?” hahaha

Ang paboritong kanta daw ni PNoy ay ang EStudyante Blues ni Freddie Aguilar na may bagong lyrics na “Si Gloria’ng nakikita, Si Gloria’ng nasisisi, si Si Gloria’ng laging may kasalanan.”

Habang inaasikaso ni PNoy ang kamapaya niya labang kay Aling Gloria laban kay CJ Corona, prang nakakalimutan na ang mga sinsalanta ng baha sa Bicol, Visayas at Mindanao.

Tag-ulan po sa area ng Bicol-Samar-Leyte sa panahong ito.

BASURA NG BAGUIO SA PANGASINAN. Sison Vice Mayor Ben Mariñas, kumusta na po ang pagbabantay niyo laban sa basura mula sa Baguio? Naisampa niyo na po ba ang writ of kalikasan?

Pati pala sa Malasiqui ay nakalusot din silang nagtapon doon ng basura ng Baguio pero ipinahinto ni Mayor Arman Domantay.

Malaking problema ang basura at ang management nito. Pero sabi nga nila, may pera sa basura. Dapat kumilos na ang DENR para masolusyunan ang basura ng Baguio para hindi iligal na nakakarating pa dito sa Pangasinan.

Speaking of basura, may mga nawawalang tao sa Villasis na hindi na mahanap. Ang usap usapan ay namamahinga na sila. Ang sabi kasi noong iba ay basura ng lipunan sa Villasis ang mga nawala.
****

Entry filed under: News.

ORTIGOZA: The Spratlys Conundrum: FVR and JDV’s solutions EDITORIAL: Is Pangasinan ready for K to 12

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,343 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

December 2011
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: