CORTEZ: Gusto ni PNoy na umalis si PGMA at huwag na bumalik

November 22, 2011 at 10:42 am Leave a comment



Councilor Romy Sim, kumusta nap o kayo? You know what? Manny Pacquiao earned $22M from the fight. Juan Manuel Marquez earned our respect…pareho pala silang Manuel.

Sa isyu ng Pacquiao at sa isyu ng pagbiyahe ni PGMA ay natatabunan ang isyu ng kahirapan ng mga Pilipino.

Kamakailan lang ay maraming nasabat na sibuyas ang Bureau of Customs mula sa ibang bansa at ito ay ibebenta nila dito ng mas mura sa presyo ng mga Pilipinong nagtatanim ng sibuyas.

Ibig sabihin niyan ay sobra o labis ang kanilang production ng sibuyas.

Ayon kay kasamang Karl heto daw po ang kahulugan ng krisis ng labis na produksyon.

“Ang labis na produksyon ay partikular na kinukundisyon ng pangkalahatang batas ng produksyon ng kapital: ang magprodyus sa hangganang itinatakda ng mga pwersa ng produksyon, ibig sabihin, ang paggamit sa maksimum na dami ng paggawa sa takdang dami ng kapital, nang walang pagkukunsidera sa aktwal na hangganan ng pamilihan o sa mga pangangailangang nakabatay sa kakayahang magbayad; at ito ay naipapatupad sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na ekspansyon ng reproduksyon at akumulasyon at, kung gayon, ng palagiang rekonbersyon ng kita sa kapital, habang sa kabilang banda, ang masa ng mga prodyuser ay nananatiling nakatali sa abereyds na antas ng mga pangangailangan, at kinakailangang manatiling nakatali rito alinsunod sa kalikasan ng kapitalistang produksyon.”

Idinadag pa ni kasamang Karl na “. . . ang isang krisis ay maipapaliwanag lamang bilang ang resulta ng isang disproporsyon ng produksyon sa iba’t ibang sangay ng ekonomya, at bilang isang resulta ng isang disproporsyon sa pagitan ng konsumsyon ng mga kapitalista at kanilang akumulasyon. Ngunit tulad ng umiiral, ang pagpapalit ng kapital na naipuhunan sa produksyon ay nakadepende sa kalahatan sa lakas magkonsumo ng mga uring di lumalahok sa produksyon; habang ang lakas magkunsumo ng mga manggagawa ay nalilimitahan sa isang bahagi ng mga batas ng sahod, sa iba pang bahagi ng katotohanang nagagamit lamang sila hangga’t maaari silang magamit ng uring kapitalista nang tumutubo. Ang ultimong dahilan ng lahat ng tunay na krisis ay laging mananatili sa paghihikahos at nalilimitahang konsumsyon ng masa kasalungat ng paghahangad ng kapitalistang produksyon na paunlarin ang mga pwersa

RIGHT TO TRAVEL! Sa issue ng pagbawal kay PGMA to travel abroad for whatever reason, nagkamali sina President Aquino and Secretary De Lima o talagang sinasadya nilang manindigan dahil may iba silang strategy at objective.

Sa unang tingin ang isyu ay ang human right na constitutional right pa.

Ang issue ay ang simpleng karapatan na right to travel.

Pabayaan na natin ang konsepto ng right to be presumed innocent…right to travel na lang.

Kung ang isang dating president ay hindi nabibigyan ng kanyang karapatan na guaranteed ng Constitution, paano na ang isang ordinaryong mamamayan?

Ang susunod na limang taon ng PNoy administration ay pangingibabawan ng paglapastangan sa karapatan ng ordinaryon Pilipino.

Rosales Vice Mayor Jojo Pajela, sana mapondohan ang pangarap niyo na magkaroon ng community hospital ang Rosales. Mataas sumingil ang mga private hospitals diyan.

Heto po ang sinabi ni Sen. Chiz Escudero sa TRO ng SC.

The decision of the Supreme Court is fair and reasonable.

While I believe that PGMA has to answer for a lot of things, she should be made to do so under the proper constitutional processes. To prevent the possible flight of the former president from facing the accusations against her, the justice department should exercise its mandate by filing appropriate charges in courts and petition for a hold departure order. This is the proper legal action which does not circumvent constitutional and basic rights.

PINAPAIKOT TAYO NI PNOY! Ang Korte Suprema ay isang separate body ng governance, iyong isa ay legislative, at iyong isa pa ay legislative.

Ang alam ng lahat ay ang Korte Suprema ang pinakamataas na hukuman at ang desisyon nito ay dapat ipatupad.

Pero ano ba itong ginagawa ni De Lima? Tinuturuan niya ang mga Pilipino, ang mga pulis at military na huwag tangapin ang desisyon ng Korte Suprema.

Mas gusto nilang pakingan at ilabas ang dissenting opinion ng minorya.

Pero sa lahat ng debateng nangyayari, sa totoo lang, gusting gusto ni PNoy na makaalis na si PGMA at huwag nang bumalik.

Mahigit 500 days na sa Inidoro ng Malacañan si PNoy at ang kanyang tropa pero hindi pa nila nakikita kung ano ang kaso na dapat isampa kay PGMA.

Malapit na ang taning (makulong si PGMA sa Pasko) na ibinigay ni PNOY pero wala pa silang matibay na kaso na naisasampa sa korte.

Ang pinakamagandang ginawa nilang paraan ay inilipat nila sa Korte Suprema ang responsibilidad kung paaalisin si PGMA o hindi.

Kung umalis si PGMA at hindi na bumalik, sasabihin na lang nila na guilty si PGMA kahit walang ebidensiya.

Hindi masisisi si PNoy sa pag-alis ni PGMA dahil Korte Suprema ang nagdesisyon.

Safe na si PNoy sa kanyang pangako na ipakulong si PGMA dahil pinayagan ng Korte Suprema na makaalis.

Safe na si PNoy sa kanyang panagako na ipakaulong si PGMA kahit walang matibay na kason silang naiharapa sa korte.

Advertisements

Entry filed under: News.

381 completes skills training in Urdaneta EDITORIAL: Palarong Pambansa 2012 in Pangasinan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 933,162 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

November 2011
S M T W T F S
« Oct   Dec »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,442 other followers


%d bloggers like this: