Archive for October 2, 2011

CORTEZ: Wives do not rape husbands




The most powerful thing you can do to change the world, is to change your own beliefs about the nature of life, people, reality, to something more positive…and begin to act accordingly…- Shakti Gawain

SOULS SISTER ARE GOOD! Walong First Term Congresswomen ang nagbuo ng grupong “Soul Sisters” at sila ang nagtataguyod at nakikibaka para maipasa na ang RH Bill.
Vice Mayor Jojo Pajela, kumusta na po? Alam niyo po ba na ang “Soul Sisters” ay kinabibilangan ng ating Congresswoman mula sa 5th District ng Pangasinan na si Kimi Cojuangco kasama sina Josephine Lacson Noel (Malabon); Sandy Ocampo (Manila); Janette Garin (Iloilo); Bernadette Herrera Dy (Bagong Henerasyon); Abigail Faye Ferriol (Kalinga); Emmeline Aglipay (DIWA) at Sharon Garin (AAMBIS-OWA)?
Ang mga members ng “Soul Sisters” ay umiikot sa kani-kanilang distrito at spheres of influence para ipabatid ang kahalagahan ng RH Bill sa ikauunlad ng buhay ng bawat pamilyang Pilipino.
Dito sa Pangasinan, masigasig na isinagawa ni Rep. Kimi Cojuangco ang isang motorcade at meetings sa lahat ng bayan sa 5th district para ihatid at ipaalam ang nilalaman ng RH bill.
Ang RH Bill ay hindi lang isyu ng maga kababaihan, nakiisa din si 5th district Board Member Niño Arboleda sa pagsuporta at buong araw din na umikot sa mga bayan na kinabibilangan ng distrito.
Mahigit 50 sasakyan ang sumali sa motorcade para sa RH Bill.
Matagal na po ang debate sa RH Bill, hindi lang ngayong 15th Congress kundi noon pang sixteen years nang nakakalipas.
Napakahaba na po ng debate sa RH Bill…Panahon po para ipasa ito at bumoto.
Very passionate itong si Rep. Kimi sa kanyang advocacy dahil sa puso niya alam niyang tama ang kanyang ginagawa.
Very passionate itong si Rep. Kimi sa kanyang advocacy dahil sa puso niya alam niyang para sa nakararami ang kanyang ginagawa.
Very passionate itong si Rep. Kimi sa kanyang advocacy dahil sa puso niya alam niyang ang para sa susunod na salinlahi ang kanyang ginagawa.
UNWATED PREGNANCY IS BAD. Heto naman po ang masasabi nang isang nanay na nakakwentuhan ko sa Villasis habang nagganap ang RH Bill program.
Tama ang sinabi noong speaker na mas maraming unwanted at unplanned pregnancy…alam mo ba na ako at ang aking mister ay Roman Catholic? Kaya natural rhythm calendar method ang ginagamit naming mag-asawa…hindi kami gumagamit ng contraceptive dahil ayaw ng simbahan at wala kaming budget na pambili.
Ang problema, wala kaming magawa kapag umandar na si mister…kahit hindi puede ayon sa natural rhythm calendar method ay pipilitin ka pa rin ni mister.
Nawawala ang pagiging Roman Catholic naming dahil hindi naming nasusunod ang recommended nilang natural rhytmn calendar method.
Dahil pinagbigyan ko si mister, kinabukasan buntis na ako.
Kaya ngayon 38 years old pa lang ako ay siyam na ang mga anak ko.
Unwanted yung pagbubuntis ko at hindi planado kaya naman hirap na hirap kaming buhayin ang aming pamilya.
Sabi nga nila: ‘Wives do not get horny and rape husbands.’
VAT IS BAD! Dapat manindigan ang PNoy government para sa panukala na i-abolish na ang VAT o value added tax.
Sana ay huwag matakot sa IMF o International Monetary Fund sa panukalang i-abolish ang VAT.
Alam niyo ba ang mismong United States ay hindi nagpasa ng VAT law kahit na ito ang inireseta sa kanya ng IMF?
Total, parati tayong gumagaya sa United States, gayahin na rin natin na VAT-free ang Pilipinas.

Ang sabi ng United States sa kanilang pag-reject sa VAT ay ganito: “VAT entails huge spending for new equipment and additional tax personnel while leaving a proportionately small net tax collection and so much confusion.”
Sa ating experience, ang VAT na 12 percent ay ipinapataw sa mga consumers sa lahat ng antas ng market chain pero ang nakakarating lang ay 3 percent.
Iyong 9 percent ay nawawala sa pamamagitan ng kutsabahan ng mga mandarayang negosyante at ilang masasamang element sa BIR.
The rest of the billions disappear along the way – some of it pocketed by cheating merchants and/or conniving taxmen.
Kung kayo ay gumagastos ng P100,000 pesos at lahat ng binili niyo ay may VAT, ang binayaran niyong VAT ay P12,000 na dapat ay mapupunta sa kaban ng gobyerno.

Pero ano ang nangyayari?
P3,000 lang po ang napupunta sa gobyerno at iyong P9,000 ay napupunta sa bulsa ng mga nagsasamantala sa VAT law.
GLOBAL PINOY CENTER IS GOOD. May isang lugar diyan sa isang napakalaking sari-sari store na tinatawag nilang SM sa Rosales na itinayo upang magbigay serbisyo sa mga past, present at future na OFWs at iba pang kababayan natin na nasa ibang bansa kasama na rin ang kanilang mga kamag-anak dito sa Pilipinas.

Mr. Roger Tan, kumusta nap o kayo? Balita ko na deny daw ang motion to dismiss ng San Roque Dam sa kasong isinampa niyo laban sa kanila. So, tuloy na ang kaso!

Binaha at sinalanta ang inyong mga kababayan sa Rosales hindi dahil sa lakas ng bagyong Pepeng, kungdi dahil sa walang patumangang pagpapakawala ng San Roque Dam ng dambuhalang dami ng tubig.
Okay, balik tayo sa usapan…Para maka-avail ka ng mga perks and privileges na ipinagkakaloob ng GPC, dapat ay maging member ka sa halagang P150 lang.

Ang GPC ay nagkakaloob ng seminars, workshops para sa ikabubuti ng mga members at mga beneficiaries ng mga members.

Ang GPC ay may booth kung saan pwede kang tumangap ng remittance mula sa abroad at puede rin na magpalit ng foreign currency para maging peso.
Meron din cozy lounge area kung saan puede kang mag-relax habang humihigop ka ng kape o kaya naman ay tea.
Malinis at comfortable naman ang rest rooms na para kang nasa hotel.
Kung gusto mo naman makipag-facebook o internet sa kamag-anak o kaibigan sa abroad, may internet sevices sila at naka-WIFI din ang lounge kung may dala kang laptop…oo nga pala meron din libreng video calls doon.

October 2, 2011 at 9:24 pm Leave a comment


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 972,628 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

October 2011
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers