Archive for May 16, 2011

Our province needs a better leader -Mayor Navarro


NAAAWA AKO SA KANYA (Governor Amado T. Espino)! Iyan ang nasambit ni Bani Mayor Cel Navarro nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa kanyang mistah.

“Mistah ko siya, bunk mate ko pa”, sabi ni Navarro. “Mahigit pa sa kapatid ang turing ko sa kanya.”

Maraming programa si Mayor Navarro para sa Bani kaya lang hindi sila magka-partido ng vice mayor, parang Dagupan City (Kumusta ka na pala Administrator Vlad Mata?).

Umaasa si Mayor Cel Navarro na makikiisa din si vice mayor dahil ang mga programa ay para sa paglalatag ng development foundation para sa mga mamamayan ng Bani.

“Sa observation ko ngayon at sa mga naririnig ko, naaawa ako kay Gov dahil para siyang bakal na nagiging marupok dahil sa sariling kalawang. Sana matuto siyangmaglabas ng kanyang sama ng loob at magpatawad para gumaan ang kanyang kalooban,” Sabi ni Mayor Navarro.

“Nagkatotoo sa Rosales ang kinatatakutan ko, nang hindi ko siya inimbita noong pumunta si Presidente Noynoy dito sa Bani,” sabi ni Mayor Navarro. “Hindi naman niya kinailangan sabihin sa Rosales na siya ang tunay na governor sa harap ni Presidente at sa buong Pilipinas.

Walang nakukuhang tulong sa Governor at sa Congressman ang Bani kaya naman sa iba siya nakikipagpartner para maipatupad nag kanyang mga projects.

Our province needs a better leader, Mayor Navarro said.

OIL PRICE SUBSIDY AT TEXT SUBSIDY. O…ha! May Pantawid Pasada na, may pang text pa. sa ganyang klaseng tulong ng gobyerno ay aangat na ang buhay ng mga jeepney driver. Hehehe

Rosales councilor Romy Sim, alam niyo po ba na mayroong 214,596 registered public utility jeepneys sa buong bansa at ang mga maiingay na section ng sector na ito ay kinatakutan ng gobyerno kaya naisipan nilang magbigay ng Pantawid Pasada?

Ang alam ko mas marami ang tricycle drivers kontra sa jeepney drivers at lalong mas marami ang farmers at fishermen na gumagamit din ng petrolyo at sila ay hindi naririnig ng gobyerno.

Dapat din makita at marinig ang mga ginang ng tahanan na umaaray sa taas ng presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG).

Ang LPG ay latak o tira-tirahan sa proseso ng paggawa or pag-refine ng langis kaya naman dapat ang presyo nito ay dapat mababa.

Ang grupong LPGMA ay walang ginagawa para maibaba ang presyo ng LPG.

Sa totoo lang mas makakatulong ang gobyerno kung mahigpit nilang bantayan ang presyo ng petrolyo dahil ayon sa mga observers at nakakaalam ng industriya ng langis, ito ay overpriced.

CIVIL DISOBEDIENCE! Eto po ang banta ng grupong— dahil hindi nila maipanalo ang kanilang diskurso sa RH Bill.

Pro Life daw sila…pero hindi mo pa sila nakita na mag ingay laban na napakasamang serbisyo sa mga ospital ng gobyerno.

Ang mga tao ay nagdadala ng kanilang minamahal sa ospital para masagip ang buhay pero dahil sa sama ng serbisyo ay hindi na nakakalabas ng ospital ng buhay.

Ang katiyakan sa trabaho at pagkakaroon ng sapat na saho ay isang paraan para patuloy na mabuhay.

Nasaan ba ang mga pro-life na ito kapag may nawawalan ng trabaho? O kaya naman ay kapag hindi tumataas ang sahod?

Nasaan ba ang mga pro-life na ito sa panahon ng mga kalamidad? Nasubukan na ba nilang magkaroon ng programa para tumulong sa panahon ng sakuna?

Ang alam ko, wala pang nanawagan ng civil disobedience na nagwagi ditto sa Pilipinas.

Ang panawagan para sa civil disobedience noong panahon ni Pres. Marcos ay hindi nagtagumpay.

BAGONG OMBUDSMAN INUTIL. Walang naniniwalang magiging tuwid ang landas, titino ang gubyerno at magtatagumpay ang kampanya laban sa pangungurakot sa bansa kapag nakapili na si PNoy nang magiging Ombudsman.

Former Board Member at City Councilor Chinky Perez, kumusta na po ba ang mga plano niyo para paunlarin ang tourism sa Urdaneta City?

Siyempre, mula nang maibento ang office of the Ombudsman noong panahon ni Pres. Cory ay hindi pa nasasawata ang korapsiyon.

Bakit? Dahil ang naitalagang Ombudsman ay hawak sa leeg ng appointing authority at iyan ay ang Presidente.

Ang ombudsman ang nag-iimbestiga sa kurat sa gobyerno. Pero paano mo ihahabla ang isang mataas na opisyal ng gobyerno kung alam na alam mo na itong opisyal na ito ay appointed din ng Presidente na nag appoint sa iyo?

GUSTONG PUMUTI ANG BALAT! Hindi sakit ang pagiging kayumanggi…hindi ito dapat lapatan ng gamot. Sabi po ng Food and Drug Administration na ang natural na paraan para makakuha ng glutathione ay ang pagkain ng maraming watermelon, avocado, broccoli, spinach at kamatis.

Bok NANI BRAGANZA, ano naman ang pakiramdam nang sabihin ni Dagupan City Mayor Benjie Lim na ikaw daw ang susunod na Governor ng Pangasinan? Kasali ba si Mayor BSL sa Pangasinani.2013? Alam na alam natin na si Mayor BSL at si Gov ay magkaibigan din.

May 16, 2011 at 9:35 am Leave a comment

BOXINGFANS


HundredsofPangasinenses shout asthey watchviaa largescreen set-up by the provincial government in front of the town hall in Lingayen lastMay 8 as Filipino boxer Manny Pacquiaodowns SugarShaneMosley in the third roundof their 12-round boutin Las Vegas.Pacquiaoretains hisWBOwelterweighttitleviaunanimousdecision.CESARRAMIREZPage

May 16, 2011 at 9:31 am Leave a comment


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,738 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

May 2011
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers