BM NIÑO, ang BM ninyo sa 5th district

December 9, 2010 at 4:53 pm Leave a comment



Ang fiesta ay isang panahon kung saan ang mga tao ay nagpapasalamat sa mgagandang bagay na dumating sa kanilang buhay.

Ito ay isang paraan ng pasasalamat.

a fiesta celebration ng Urdaneta City ngayong taong ito, minarapat ni 5th district Board Member Clemente B. Arboleda, Jr. na bigyang halaga ang contribution ng mga tricycle operators at drivers sa kanilang hindi matatawarang serbisyo sa public transportation.

Si BM Arboleda ay mas kilala bilang BM Niño.

Ang dala niyang linya ay HONESTY, INTEGRITY at MODESTY sa public service.

Ang layunin ni BM Niño kaya siya nasa public services ay makatulong na mapabuti ang ating gobyerno at kabuhayan.

Tangap ni BM Niño na masalimuot at mahirap lutasin ang mga problema ng gobyerno at ng bayan.

Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa na magkakaroon din ng solusyon ang mga ito.

Bilang isang masipag na dating vice mayor ng bayan ng Alcala, marami siyang pinangunahang projects na itinaguyod at mga taong natulungan.

Pero, hindi na niya ito ipinangangalandakan o ipinagkakalat pa.

Kuntento na at masaya na siya kapag siya ay may natulungan na hindi na kailangang ibandera pa sa media.

Pinamamahalaan ni BM Niño ang pagtaguyod ng isang TODA NIGHT.

Ayon kay BM Niño ang TODA NIGHT ay parang isang recognition night at ang esensya nito ay…’ to give recognition to the officers, members and families for their participation and continuing effort in the progress and development of Urdaneta City.’

Si BM Niño nga pala ay nahalal bilang nationa president ng National Movement of Young Legislators.

Nag-set up na rin si BM Niño ng district office sa Urdaneta City para hindi maabala na pumunta pa ng Lingayen ang mga taga 5th district kung may gusto silang isangguni sa kanya.

Ayon kay BM Niño ang tricycle operators at drivers ay kayamanan ng sambayanan…’Our greatest treasures are our people, our working people, the tricycle operators and drivers. These are the people who struggle each day to bring people to the market, schools, offices, hospitals, churches and other destinations.’

Dahil sa kanilang serbisyo sa mamamayan, nararapat lang na bigyan sila ng tama at angkop na pagkilala sa pamamagitan ng isang gabi na magkakasama sa isang kasiyahan.

Ayon din kay BM Niño, hindi din dapat makalimutan ang mahalagang suporta na ibinibigay ng kanya kanyang pamilya sa mga nagta-tricycle.

Naglaan si BM Niño ang mga door prizes para may madala naman sila sa bahay, tulad ng plantsa, rice cooker, electric fan at iba pa at ang grand prize ay tricycle.

Siyempre, ang gabi ng parangal na ito ay naglalayun din na ilagay sa kamalayan ng tricycle drivers ang pagiging marangal na tao para sila ay bigyan din ng sapat na respeto ng kanilang kapwa.

Ang pagpapahalaga ni BM Niño Arboleda sa sector ng mga tricycle drivers at operators ay dahil mismong siya ay mahilig din sa motorsiklo lalo na sa scooter.

Ang Pangasinan ay nangangarap ng pagbabago. Tayong lahat ay nangangarap ng pagbabago at si BM Niño ay nasa provincial government ngayon para itulak ng pagbabago.

Sigurado ako na masisiyahan ang mga dadalo sa TODA night na ito na itatanghal ni BM Niño and BM ninyo sa 5th district.

Pagkatapos ng TODA night, may hangover man o wala, sana kayong mga tricycle drivers ay maging mas masunurin sa batas trapiko at pangalagaan ang inyong dignidad bilang mamamayan.

HETO PA ANG MAINIT NA BALITA noong first day ng celebration ng fiesta ng isang bayan diyan sa 5th district.

BM Niño Arboleda, alam kong nasaksihan niyo itong pagtatalak ing isang councilor sa mga empleyado sa ilalim ng opisina ng vice mayor at pag-away sa vice mayor mismo.

Pagkatapos niyang awayin ang mga empleyado ni vice amyor ay hindi pa nakuntento si councilor SJ.

Si vice mayor GB mismo ang kanyang napag-initan.

Ayon sa mga nakasaksi, nagsimula ang lahat nang makialam si councilor na SJ nang sigawan niya ang mga empleyado si vice mayor para bumaba sa sasakayan at maglakad para sa parade.

Ang suggestion kasi ni mayor ay maglakad ang mga empleyado ng bayan.

Ang problema, hindi alam ni vice mayor na may suggestion si mayor na maglakad ang mga empleyado.

Eh, nakapag-utos na si vice mayor sa kaniyang mga empleyado na samahan siya na nakasakay habang nakikiparade.

Walang karapatan si councilor SJ na pakialaman ang palakad para sa parade.

Walang karapatan si councilor SJ na sigawan ang mga empleyado ni vice mayor.

Wala sa tama si councilor SJ na awayin si vice mayor.

May sariling personality ang office of the vice mayor bilang separate na legislative arm ng local government at ito ay nakiisa sa fiesta celebration sa opening day na parade.

Iba ang personality ng office of the mayor dahil ito ang executive arm ng local government.

Councilor Rio Esteves, kung ikaw ang chairman ng committee on ethics and good government, at nangyari sa inyo ito…magpapatawag ka ba ng inquiry?

Maliwanag na conduct unbecoming of a public official ang nangyaring ito.

Sana hindi mangyari sa Urdaneta ito.

ANG RULE SA NEWS WRITING ay round off to the nearest number, tama ba Bok Ging Cardinoza ng PDI?

Halimbawa, kung ang news mo ay ARIIP TO WATER 34,450 HECTARES, ang tamang lalabas sa news ay ARIIP TO WATER 35,000 HECTARES…round off, hindi ba?

Pero sa isyu ng survey sa acceptance ng mga Pilipino sa Reproductive Health Bill ay naka headline ang ‘69 % favor RH Bill’.

Kung ikaw ay estudyante ng journalism ang figure na 69 ay lalabas sa write up mo na 70…Hehehe. Ano ba ang significance ng ‘69’ sa RH Bill? Naughty kayo ha!

Entry filed under: News.

Mencias says there will be water for re-regulating pond Dagupan’s welfare officer dismissed from office

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 973,698 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

December 2010
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: