Bababa ang accomplishment ng NIA

November 30, 2010 at 10:08 am Leave a comment


BM DANNY UY, Kumusta naman po ang nakaraang election ng mga officers ng Provincial Board Members?

Binabati ko si BM Henry Bacurnay, Jr. ng La Union bilang National President ng Provincial Board Members League of the Philippines.

Dalawa lang sa ticket niya ang hindi nakalusot.

“We have to organize a strong and dedicated team, not only to win the PBMLP election, but also to deliver the desired services and programs of the league once we get elected,” ang sabi ni Bacurnay noong minsang nagkaroon ng causus sila sa baguio na dinaluhan ng mga taga regions1, 2, 4a at CAR.

Ka Henry, alam kong itataguyod mo at ipaglalaban ang kagalingan ng mga Board Members.

Nakasama ko si Ka Henry sa ilang pakikibaka para sa panlipunang pagbabago.

Si Ka Henry ay member din ng Council of Asian Liberal and Democrats, naging executive director ng National Institute for Policy Studies, naging member ng International Federation of Liberal and Radical Youth (IFLRY), naging trustee din siya ng Amnesty International.

Sa pangkalahatan, nakakuha ng 378 votes si BM Bacurnay habang si BM Angel Baniqued ay nakakuha naman ng 198 votes.

Sa Luzon ang naging resulta ay Bacurnay 200 tapos Baniqued 111.

Sa Visayas ang resulta ay Bacurnay 71 tapos Baniqued 25.

Sa Mindanao ang resulta ay Bacurnay 107 tapos Baniqued 62.

Ang isang malungkot lang na balita doon na naganap na election ay may kumalat na pangyayari na may nagbibigay daw ng P6,000 o kaya naman ay P3,000 para iboto ang isang kandidato para sa isang mataas na posisyon.

Kahit na nagpakawala ng pera, natalo pa rin.

Ang isa pa ay ang hindi pagtuloy ni BM Ranjit Shahani ng Liberal Party na tumakbo bilang Secretary General sa hanay ni BM Bacurnay…sure win sana siya doon.

Bok Doy, bakit kaya siya umatras?

Mas inuna niya ba ang Pangasinan kaysa Liberal Party?

VICE GOVERNOR FERDIE CALIMLIM malaki po ba ang kaibahan ng pagiging mayor at vice governor?

Bilang mayor kayo po ang nagpapatupad ng mga infrastructure projects.

Katulad ng ipinatayo niyong magandang municipal building ng Mapandan na ngayon ay pinakikinabangan ng mga kababayan natin doon.

Sa isyu ng infrastructure may mga nagtatanong…Ano po ba ang PPP ni Pnoy?

Ang acronym na PPP ay public-private partnerships.

Eto po iyong dating naririnig na natin na BOT (build-operate-transfer), BOO (build-own-operate), BLT (build-lease-transfer), at iba pa.

Ito ay paraan ng gobyerno para makapagpatayo ng mga public infrastructure facilities kahit walang budget.

Nagagawa ito dahil ibinibigay ng gobyerno sa private na corporation ang pagpapatayo ng public infrastructure tapos pinagbabayad lahat ng gumagamit nito para mabawi ang ginastos at sa kalaunan ay magkamal ng profit.

Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito?

Wala nang kakayanan ang gobyerno para pondohan ang public infrastructure kaya ipinauubaya ito sa private firms.

Ang problema…kapag private firm ang nagtayo kailangan mabawi nila ang kanilang ginastos at mas kailangan na sila ay kumita.

BM NIÑO ARBOLEDA ano po ba ang mga major major na pagkakaiba ng paglilingkod sa bayan bilang Vice Mayor at bilang Board Member?

Ang isang halimbawa ng PPP ay kung hindi kaya ng gobyerno ang magpatayo ng tulay mula Carmen papuntang Villasis.

Sa pamamagitan ng PPP, papayagan ng gobyerno ang isang private firm na magtayo ng tulay.

Tapos, ang lahat ng dadaan sa tulay na iyan ay sisingilin ng private firm para mabawi nila ang gastos at para sila ay kumita.

SA LAHAT NG MGA KASAMA natin sa Pangasinan media, naniniwala ako na kailangan makakuha ng katarungan ang mga pinatay sa Maguindanao Massacre.

Pero huwag na tayong umasang matatapos ang trial sa madaling panahon.

Maging objective sana tayo at tangapin ang katotohanan na mabagal ang pag-ikot ng gulong ng hustisya sa Pilipinas.

Kahil na ilang martsa ang gawin, kahit na i-live coverage mo pa iyan…hindi bibilis ang proseso.

Makinig sana kayo kay senator Joker Arroyo ang sabihin niyang baka abutin ng 200 bago makumpleto ng trial dahil 161 ang defendants at mahigit 300 ang witnesses na haharap sa korte dahil may mga direct examination, cross examinatio at mga motion pa ang mga ito.

Naglabas si Presidente Pnoy ng Proclamation No. 73 Declaring Tuesday, November 23, 2010 as a National Day of Remembrance for the victims in the Maguindanao Massacre.

Maglalabas din kaya siya ng Proclamation sa kaarawan ng Mendiola Massacre na hanggang ngayon wala pang hustisya ang mga pinatay na magsasaka sa panahon ni Presidente Corazon Aquino?

Hanggang ngayon wala pang hustisya sa Lupao Massacre.

Hanggang ngayon wala pang hustisya sa Hacienda Luisita Massacre.

Bilang mga members ng Pangasinan media, ituloy po natin ang pagsulong sa Freedom of Information Act sa Congress at Senate para makapaghatid tayo ng relevant at factual na balita na makakatulong sa pagtataguyod natin ng makabuluhang community journalism.

ANG GRAND LOTTO 6/55 ay mahigit kalahating bilyon na pero ang pag-asa niya na manalo ay one in 29 million.

Paano mo ba i-compute ang chance na 1 is to 29,000,000 sa Grand Lotto 6/55?

Una, imultiply ang 6 na bolang bubunutin (1 x 2 x 3 x 4 x 5 x 6). At ang resulta niyan ay 720.

Pangalawa ipalagay natin na minsan (1) lang ang chance na mabunot ang isang number (1/55, 1/54, 1/53, 1/52, 1/51 and 1/50.)

Pangatlo multiply natin lahat ng numero na nasa itaas ng fraction (1 x 1 x 1x 1 x 1 x 1) na magreresulta sa 1.

Pang apat, multiply natin lahat ng numero sa ibaba ng fraction (55 x 54 x 53 x 52 x 51 x 50) at ang resulta niyan ay 20,872,566,000.

Panglima, divide natin ang 20,872,566,000 ng 720.

At ang resulta ay 1 is to 28,989,675 ang chance mo na manalo sa lotto.

Ibig sabihin niya ay kung bente pesos ang isang kumbinasyon multiply mo ang 20 pesos sa 28,989,675 ang resulta ay P579,793,500.00 ang kailangan mong pantaya para manalo ka.

O ha! Siguradong mananalo ka sa grand lotto 6/55 kung meron kang pantaya sa halagang P579,793,500.00…meron ka ba niyan sa wallet mo?

Ayon sa draw noong November 24 ang pot ay umabot na sa P633,911,065.20 kaya kung namuhunan ka ng P579,793,500.00 at tumama ka. Ang tunay na tinamaan mo ay P54,117,565.20 lang naman.

Kung inaakala niyo na maganda ang paghawak ng pera ng Pnoy administration dahil sa bumaba daw ang ating budget deficit…mag-isip kayo.

ANG KATOTOHANAN SA PAGBABA NG BUDGET DEFICIT ng gobyerno ay dahil hindi nagre-release ng pondo para sa mga projects na kailangan ng sambayanan.

Maraming projects na feasible at may pondo na ang hindi pa na-implement dahil naka-hold lahat.

Iyan ang dahilan kung bakit kakaunti lang ang gastos ng gobyerno ngayon kumpara last year.

Pero ang nagdudusa ay ang mag mamamayan na dapat makinabang sa mga nasabing naka-hold na projects.

Dito lang sa Pangasinan, particular na sa National irrigation Administration maraming projects ang may pondo pero hindi pa nagagawa dahil naghihintay pa sila ng authority to implement.

Lalabas na mababa ang accomplishment rate ng NIA dahil hindi ito makapag-implement ng projects.

Nagtatanong tuloy ang ilan kung ‘magkano’ ang authority to implement na kailangan magmula pa sa Malacañan?

Advertisements

Entry filed under: News.

Mayor Chua want to inspire young women For being 18, SK winner in Agno faces petition

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 915,583 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

November 2010
S M T W T F S
« Oct   Dec »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,430 other followers


%d bloggers like this: