SY FILES: Pagyaman

November 26, 2010 at 8:50 pm Leave a comment


by SUSAN V. YADAO

Paano ba ang maging mayaman?

Ang mga mahirap gustong yumaman, ang mga mayaman gusto lalong yumaman, ang mga napakayaman lalo pang nagpapayaman!

Ang hahaba ng pila ngayon sa mga outlets ng lotto, lahat nagbabakasaling manalo, mahirap man o mayaman interesado sa halos kalahating bilyong premyo. Kahit pa sabihing one in a 29 million ang winning chances sige pa rin. Taya na! Taya na!

Paano nga ba ang yumaman?

Mayroong nagnanakaw, ang iba nangho-holdup, may nagbebenta ng laman, kidnap for ransom, may nangongotong, may nangungurakot, may nanloloko, mga salisi, carnapper, at iba’t ibang uri ng raket. By category, may small time raket, may big time raket.

Iisa ang intension: Gustong yumaman. Kahit sa paanong paraan, kahit na masama, kahit na iligal, gagawin lahat yumaman lang. Di bale ng may masaktan o mamatay na inosenteng tao. Di bale ng makuha ang pinaghirapan ng iba, ang importante feeling mayaman ka .

Totoo nga ba na dahil sa kahirapan kaya maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan? Hindi kaya ang totoo gusto lang maging mayaman sa kahit anong paraan?

Sa mahihirap naman konting libo lang kayamanan ng maituturing. Hindi katulad ng mayayaman balewala lang lustayin ang ilang milyon.

Pansinin ninyo ang mga mayayaman, kahit naka- tshirt at tsinelas lang, peke ang suot na alahas, imitation ang bag at mga accessories. Pero lutang na lutang ang ginhawa sa buhay. Mukhang mamahalin ang mga alahas. Mukhang original ang bag at mga accessories. Halatang pinagpala!

Samantalang ang mga mahihirap, isinuot na ang pinaka-mahal na damit at mamahaling sapatos. Purong ginto ang alahas at trying hard na gumamit ng original na bag at mga accessories. May napansin ka ba? Wala lang! Kasi ni hindi umangat ang hitsura, mukha pa ring patay gutom. Mukhang fake ang alahas at mumurahin ang bag at mga accessories! Hindi man lang umalsa!

Paano ba kumilos at mag-mukhang mayaman?

Ang hirap naman ng mahirap! Langit at lupa ang pagitan. Kung mayaman ka, tinitingala ka. Pangit ka man o walang pinag-aralan kung mayaman ka, tiyak respetado ka.

Tinitignang basehan ng pagkatao ang yamang material ng isang tao. Saan man galing ang yaman, legal man o illegal, it does’nt matter anymore, sasaluduhan ka saan ka man mapunta.

Pero huwag malumbay kung hindi ka mayaman. Maaaring maging mayaman sa ibang paraan.

Maaaring mayaman ka sa anak, mayaman sa kaibigan, mayaman sa talento, mayaman sa spiritual, mayaman ang pang-unawa, mayaman sa diskarte, mayaman sa sipag, mayaman sa tiyaga at iba pang klase ng yaman.

Sige consolation na lang natin ang mga ito.

AtkKung ang mga nabanggit na yaman ay nasa iyo, daig mo pa ang mayaman sa pera. Lalo na kung masaya ang pamilya at may mabubuting kaibigan na hindi pera ang tinitignan.

Pero malay mo rin balang araw, sa dami ng yaman mo, who knows? sino ang makapagsasabi mam’ya lang eh Don o Donya ka na!

Entry filed under: News.

Art Contest Estrella stresses need for food production

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 973,693 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

November 2010
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: