Regalian Doctrine at Torrens System ugat ng gulo sa Alaminos

November 18, 2010 at 10:06 am 1 comment


by Brando Cortez

Sa matagal nang problema sa usapin ng pangangalaga ng mga isla ng Hundred Islands sa Alaminos city, dapat tulungan nating magbigay liwanag sa usapin at sa pamamagitan ng pag-ugat nito at kung ano ang dapat na gawing hakbang para mabigyan solusyon ang isyu.

Sa mga katulad ni Bok Nani, alam na alam niya na ang lahat ng ito ay nag-uugat sa isang pagkakamali na ginawa ng mga dayuhan at tinanggap natin na katotohanan.

Alam ni Bok Nani, na ang tunay at unang nagma-may ari ng mga taga-Pangasinan ay ang buong kalupaan at karagatan ng Pangasinan.

May isang panahon sa ating kasaysayan na hindi pa tayo pinakikialaman ng mga banyaga ay hindi itinuturing na pag-aari ng mga katutubo ng Pangasinan ang lupa at karagatan.

Ang katotohanan ay ang kanilang kamalayan na higit na nauna ang lupa bago ang kahit na anong lahi ng tao.

Sa pagkakataon na ang isang katutubo ng Pangasinan ay mamatay, ang lupa ang mag-aari sa kanya at ang kanyang abo ay magiging kaisa ng lupa.

Ang lupa at karagatan ng Pangasinan ay ipinagkatiwala lamang sa isa isang lipi na hindi dapat mawala sa mundong ibabaw.

Ang pinagkatiwalaang lipi na iyan ay ang lipi ng taga-Pangasinan.

Naalala mo pa ba Bok Nitong na nagsimula ang suliranin sa lupa at karagatan sa pananakop ng grupo ni Magellan sa bawat isla ng ating kapuluan na kanilang masakop.

Binansagan ang lupain at karagatan natin na Pilipinas sa ngalang ng Haring Philip ng Espanya.

Inangkin nila ang lupa at karagatan sa pamamagitan ng “Regalian Doctrine” na ang ibig sabihin ay lahat ng mga matatagpuan ng mga kawal ng Espanya na ipinagkatiwala sa mga katutubo ay magiging pag-aari ng ng Espanya.

Sa kalaunan ay sumunod at nakipagsabwatan ang ating mga ninuno sa mga mga dayuhan at sa kanilang mga batas tulad ng “Regalian Doctrine.”

Ang isa pang naging kasangkapan ng mga dayuhan ay ang pagpapatupad ng “Royal Decree” noong 1880.

Sa ilalim ng batas na ito, ang lahat ng tao na may itinuturing na pag-aaring lupa ay kinikilalang tunay na nagmamay-ari sa kondisyon na: a.) inuukopahan at inaari ang lupa simula pa noong 1887 na may magandang intension; at b.) ipaparehistro ng boluntaryo ito upang makapagbayad ng kaukulang buwis bilang bahagi ng pagsasaayos ng ari-ariang lupa sa buong Pilipinas.

Ang pananakop ng Amerikano sa ating bayan ay lalong nagpalala sa kalapastanganan ng idinulot ng ‘Regalian Doctrine’ dahil ipinatupad nila ang bagong batas ng pagpaparehistro ng lupa sa pamamagitan ng “Torrens System.”

Ang batas na ito ay ipinatupad sa pamamagitan ng “Land Registration Act” noong 1902 at lumabas ang listahan ng lawak athangganan ng pag-aari ng mga Kastila.
https://northwatch.wordpress.com/wp-admin/media-upload.php?post_id=4818&type=video&TB_iframe=1
Ang mananakop na mga Amerikano ay naglabas ng panibagong batas noong 1907 kung saan ay naging obligasyon ng bawat taong may gustong magmay-ari ng lupa na ipasukat muna bago matanggap ang titulo kung saan ay nakatala at nakapirma ang lupang inaari.

Madam Amy sa Office ni BM Arboleda, marami na ang mga nangyari sa ating kasaysayan pero hanggang nagyon hindi pa rin natin naitutuwid ang kamalian ng pagyakap sa Regalian Doctrine at Torrens System.

Kailangan pa bang may titulo ang lupa at paghati-hatiin katulad ng nagyayari sa Alaminos ngayon?

At alam mo rin ba Pangulong Onyok ng Abono Party-list na hindi lahat ng mga ninuno natin ay yumakap sa Regalian Doctrine at Torrens System?

Sili ang mga lipi na para makaiwas sa direct na confrontation sa mga dayuhan ay pumunta at nanirahan sa mga liblib na sulok ng mga isla natin.

Sila iyong mga kababayan natin na ang pinaghahawakan ay ang konsepto ng ancestral domain.

Hanggang ngayon, hindi sila nagpapasakop sa Regalian Doctrine at Torrens System.

Sila ang mga katutubo na tagapangalaga ng lupa at karagatan kahit na walang titulo.

Hindi nila masikmura na lagyan ng titulo ang lupa at karagatan dahil nasa kamalayan nila na hindi nila pag-aari ng mga ito.

Alam nila ang katotohanan na sila ay pag-aari ng lupa at dagat.

Alam nila na kapag sila ay namatay sila ay magiging lupa din.

Ang Hundred Islands ay isang Masterpiece ng Kalikasan pabayaan na natin ang pamahalaan at sambayanan ng Alaminos na mamahala at mangalaga.

BM DANNY UY, alam niyo po ba na si US Amb. Harry Thomas Jr. kasama ang mga taga Newell Rubbermaid, ay nagdonate ng one million Mongol pencils para sa mga mag-aaral natin sa public schools?

Ang dami niyan ah! May makarating naman kaya sa Pangasinan?

Magandang balita iyan sa mga makakatangap.

Pero ang implikasyon niyan ay depektibo ang ating education system dahil ultimong lapis na kailangan sa pagsusulat ng ating mga kabataan ay kailangan pang i-donate ng mga Amerikano.

BM Danny Uy, dahil sa kapalpakan ng educational system natin napilitan ang grupo niyong Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce Inc. na magpatupad ng programa para sa pagpapatayo ng mga school buildings.

Marami na akong nakitang nakatayong schools na donated by FFCCCI.

Wala ba talagang kakayahan an gating gobyerno na magpatayo ng sapat na school buildings?

O sa kurakot lang napupunta ang budget para sa school buildings!

VICE GOVERNOR FERDIE CALIMLIM, alam niyo po ba na in-approve ng House Committee on Local Government ang House Bill 2999 ni Bacolod Rep. Anthony Golez na nagadadagdag ng second congressional district para sa Bacolod City.

Bagong congressman pa lang si Rep. Golez pero approve kaagad bill niya…siyempre dadaan pa sa Senado iyan.

Napapanahon na po para madagdagan na rin ang mga representatives natin sa Congress dahil underrepresented tayo kung i-consider natin ang voting population natin.

Panahon na po para may magsulong ang additional congressional districts para sa Pangasinan.

Panahon na para madagdagan ang representasyon ng mga taga-Pangasinan sa Congress.

AT SA SENADO NAMAN, ngayon pa lang dapat itaas na natin ang bandera nina Joey De Venecia, BM Ranjit Ramos Shahani at former Rep. Mark Cojuangco.

Ang isang problema ng mga congressmen natin ay counterpart bills sa Senado.

Kaya naman kailangan nila ng mga kasam sa Senado na magtutulak ng mga bills para sa sa kaunlaran ng bayan.

Malaki ang magiging contribution nila sa Senado bilang mga anak ng Pangasinan.

NAGSIMULA TAYO NG NOVEMBER sa pamamagitan ng isang araw na walang pasok dahil ito ay All Saints Day.

Alam mo ba councilor Rio Esteves ng Urdaneta na sa kalagitnaan ng November, sa 16, ay holiday naman dahil sa Muslim feast na Eid’l Adha.

Sa katapusan ng November, sa 29, Bonifacio day naman.

Tatlong araw ng walang pasok. Tatlong araw ng walang serbisyo ang gobyerno. Tatlong araw na walang sahod ang daily wage earners. Tatlong araw na walang trabaho sa mga pabrika. Tatlong araw na pahinga kahit kailangang magtrabaho.

NANINIWALA PO BA KAYO SA SINABI NG NAPOCOR na sila ay walang kasalanan sa pagbaha noong isang taon sa mga bayan na nasa tabi ng Agno River kasama na ang Rosales at Villasis ?

Sinabi po ni Engr. Virgilio Garcia, chief of the Agno Flood Forecasting and Warning Office ng Napocor na ang existing protocol pala noong 2009 para sa release ng tubig ng San Roque Dam ay ganito…”that water can be gradually released from San Roque when the reservoir elevation reaches 280 meters above sea level if the typhoon marking reaches Area 1 and with a rainfall of 60 mm. in one day. At the same time the inflow of water into the dam from upstream must be 500 cubic meters per second.”

Nasunod po ba itong sinasabi niyang protocol? HINDI po!

Bakit niya sinasabing may protocol na in-place noong mga panahon na iyon pero ang lumalabas sa report ng investigating committee ay draft lang daw iyong protocol?

Tapos may findings pa na ang sabi nung isang agency ay wala silang capability/competence na mag-evaulate nung draft protocol kaya walang final na operational protocol na maaaring gamitin.

Ayon po doon sa FINAL DRAFT ng REPORT OF INVESTIGATING COMMITTEE ON SAN ROQUE DAM DURING TYPHOON PEPENG OF OCTOBER 2009 kung saan ilan sa mga miyembro ay sina Melburgo Tiu ng Napocor at William Connel ng San Roque Power Corporation, ito ang isa sa isinasaad doon…”With regard to the protocols, these refer to the three manuals jointly developed by NPC, PAGASA and NWRB, namely: flood operation rule manual, flood warning manual and dam discharge manual but they are still DRAFTS until now since July 2002. When asked why, the answer of one agency was that it did not have the capability/competence to evaluate the draft, and another agency answered that it did not have the authority to approve it.”

At kung talagang walang kasalanan ang mga akusado bakit naglabas ng Critical Recommendation (Excerpted from Draft Report) na ganito ang sinasabi… “In view of the foregoing, the Committee recommends, in addition to the recommendations under Paragraph (B) above, that the possibility that the dam operators be held administratively and legally accountable for gross negligence and possibly even wilful disregard for public safety and for the consequences arising from their actions or inaction on the operation of the San Roque Dam, be seriously considered. We leave it up to the legal authorities to determine the appropriate charges and the technicalities involved in pursuing these accountabilities.”

Advertisements

Entry filed under: News.

Analysis of the Hundred Islands’ Brouhaha EDITORIAL

1 Comment Add your own

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 933,165 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

November 2010
S M T W T F S
« Oct   Dec »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,442 other followers


%d bloggers like this: