Mali ang nasa TV

November 3, 2010 at 9:47 am 1 comment


A

COUNCILOR DADA REYNA na coordinator ng Abono Party-list, binabati ko ang mga taga-Dagupan City dahil sila ay may mayor na hindi oportunista.

Siguro, kung ibang mayor ang nakaupo, magdedeclare kaagad ng state of calamity at ang kanyang basehan ay ang kanyang napanood sa TV.

Pero iba itong si mayor BSL, hinsi siya basta basta naniniwala sa TV.

Siya mismo ang nag-ikot at kasama ang ibang taga city hall ay umikot ay objective na gumawa ng assessment sa kalagayan ng Dagupan.

Mayor BSL, naniniwala po ako sa sinabi niyo na “Hindi mawawala ang pondo. Kapag ito’y hindi nagamit, idadagdag ito sa susunod na budget. It will not go somewhere. It remains in Dagupan.”

Naniniwala ako na may basehan si Mayor BSL sa hindi pagdedeklara ng state of calamity.

Kung ikaw ay hindi taga-Dagupan, ang buong akala mo ay lubog sa baha ang siyudad dahil sa iyon ang ipinapalabas ng dalawang TV stations natin dito sa Pangasinan.

Pero, kung ikaw ay matagal na sa Dagupan, alam mong taliwas ang balita sa televison sa katotohanang kalagayan ng buong Dagupan.

Sabi ng nang isang kaibigan kong negosyante sa Dagupan, hindi nakakatulong ang media sa negosyo sa Dagupan dahil ipinapalabas nila na baha sa buong siyudad.

Hindi tuloy pumupunta iyong mga taong may mga business transaction dito.

NOONG KASAGSAGAN ng bagyo, napanood ko at narining iyong isang taga TV na nagsasabi na sa bayan daw ng Labrador ay umapaw na ang Agno River kaya baha na sa lugar na iyon.

Bok Nani Braganza ng Alaminos, tanungin nga natin ang ibang media practitioners natin kung dumadaan ang Agno River sa Labrador? Hehehe.

Kawawa naman itong reporter na ito, basa na nga siya, mukhang puyat pa pero hindi niya alam ang kanyang pinagsasabi.

Ang Agno River po ay nagmumula sa Cordillera region pabababa ng San Manuel Pangasinan at dadaan ng Rosales, Alcala, Bayambang, Lingayen at palabas ng Lingayen Gulf.

Noong huling tiningan ko ang mapa ng Pangasinan ay hindi umaabot ang Agno River sa Labrador.

Second district BM VON MARK MENDOZA na dating SK chairman nabalitaan mo na ba itong pangyayari sa isang bayan sa eastern Pangasinan?

May isang anak ng isang dating vice mayor ang kumandidatong SK chairman sa barangay ng kanyang uncle na tumatakbong barangay captain (unopposed).

Ang ginawa ng pamilyang ito ay nagpagawa ng mga tarpaulin, sample ballots at kumuha ng mga poll watcher.

Alam mo ba ang nangyari sa araw ng election?

Kumuha sila ng 53 na kabataang watcher at may katumbas na bayad.

Nang mabilang ang boto 35 lang ang bumoto sa kanya at natalo siya.

Lesson learned: Hindi sigurado ang panalo kahit marami kang binayaran na watcher.

Fifth district BM NINO ARBOLEDA na dating vice mayor ng Alcala, nabalitaan mo na ba itong pangyayaring ito sa eastern Pangasinan?

Sa barangay na ito, dalawa ang major major na magkaribal sa pagiging barangay captain.

Ang isa ay ang incumbent na barangay captain na siyang llamado sa laban.

Ang isa naman ay dating barangay captain na gustong bumalik sa public service.

Nagbantayan silang dalawa at hindi nila namalayan na may pangatlo pa palang kandidato.

Itong pangatalong kandidato ay 30 years old lang at nakalusot sa lamang na 10 boto laban sa pumangalawa sa si incumbent kapitan.

Lesson learned: Do not underestimate the field. Lahat ng kandidato ay dapat bantayan.

Atty Jazon Collado, dapat pala na huwag mo nang gamitin ang RP as in Republic of the Philippines.

Dati iyan RP ang short cut natin sa Pilipinas.

Pero ngayon tayo ay may bagong bansag at ito ay PHL o PH.

Itong bagong binyag sa atin ay iginawad ng International Organization for Standardization.

Ayon sa kanila ang requirement ay iyong mga letters na pinakamalapit sa tunay na pangalan mo, kaya naman PHL o PH dahil sa Philippines.

Ito na rin ang ginagamit Department of Foreign Affairs at ipinaabot na ito sa mga overseas Filipinos.

Entry filed under: News.

Farmers claim seeds determine harvest EDITORIAL

1 Comment Add your own

  • 1. Ricky  |  November 4, 2010 at 1:50 am

    hindi naman taga roon ang bata…taga poblasyon…nakakahiya…talo..

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,369 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

November 2010
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: