Nagbungang pakikibaka ni Cong Mark
June 29, 2010 at 4:23 am Leave a comment
Ang isa sa matinding ipinaglaban ni Hon. Mark O. Cojuangco sa Congress bilang 5th District Representative ay ang implementasyon ng Republic Act 8240, mas kilala bilang Burley and Native Tobacco Law. R.A. 8240.
Alam mo ba pareng Nestor Batalla ng OPAg na ang batas na ito ay ipinatupad noon pang Jan. 1, 1997?
Ang pagkakaalam ko si Presidente Ramos pa ang nakaupo noong panahong iyon.
Ang batas na ito ay naglalayon na magbigay ng suporta sa mga nagtatanim ng burley at native tobacco sa pamamagitan ng allocation ng pondo para gamitin sa pagpapaunlad ng mga cooperative, livelihood at agro-industrial projects na magpapaangat sa antas ng kaidad ng produktong pang agrikultura, magpapataas ng kita at produktibidad ng mga magsasaka.
Sinasaad ng Section 8 ng nasabing batas na…15% of the incremental revenue collected from tobacco excise tax should “be allocated and divided among the provinces producing burley and native tobacco in accordance with the volume of tobacco leaf production” for cooperative, livelihood and agro-industrial projects that will “increase income and productivity of farmers.”
Matagal nang nangongolekta ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng excise tax on tobacco products nitong huling 12 taon, pero dahil sa kawalan ng malinaw na resolution kung paano ipapamahagi ito kaya walang naging release sa pondong ito.
Para maibigay sa magsasaka ang para sa kanila, nagsumikap si Congressman Mark Cojuangco na linawin ang batas.
Bayambang Mayor Ric Camacho, itinulak ni Congressman Mark O. Cojuangco ang approval ng Resolution 20 na nagbibigay linaw sa mga malalabong nilalaman ng batas para ma-release ang halagang umaabot sa PhP 6.3 billion na naipong koleksiyon at nararapat na mapapunta sa mga probinsiyang nagtatanim ng burley at native tobacco.
Ang mga tobacco-producing provinces ay ang Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, La Union, Isabela, Cagayan, Nueva Vizcaya, Tarlac, Mindoro Occidental, Quirino, Capiz, Iloilo, Cebu, Negros Oriental, Leyte, Zamboanga del Sur, Davao del Sur, Bukidnon, Sarangani, Misamis Oriental, North Cotabato, South Cotabato, at Maguindanao.
Councilor Romy Sim ng Rosales, alam nito ba na usap usapan na sa 2013, ngayon pa lang….ang isang dapat daw abangan ay ang pagbabangaan ni BM Ranjit Shahani laban kay Rep. Marlyn Agabas para sa congressional seat sa 6th district.
Magla-last term na si Tayug Mayor Carlos Trece Mapili at Rosales Mayor Ric Revita…ano kaya ang plano nila sa 2013?
Sa 2013, ngayon pa lang…kung nagtungalian sila para sa posisyon ng mayor ng alaminos nitong 2010, ang isang dapat din daw na abangan ay ang pagbabangaan din ni Alaminos Mayor Nani Braganza laban kay former Rep. Arthur Celeste para sa congressional seat sa 1st district.
Manong Danny Uy, may mga ingay na kung sino-sino ang interesado na maging PCL president na dating hawak ni BM Raul Sison na ngayon ay regular board member na ng 2nd district.
Ang mananalong PCL president ay magiging ex-officio board member.
Nariyan ang pangalan ni Kelvin Chan ng Pozorrubio, Jojo Resuello ng Basista, at Salvador Perez Jr. ng San Manuel.
Sa lahat ng mga manunupang bagong halal sa Pangasinan…Mabuhay kayo!
Itinutulak ng Abono Party-list ang off season planting ng yellow corn sa Pangasinan para meron tayong mais all year round.
Entry filed under: Opinion.
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed