Ang mga isyu sa Party-list

May 6, 2010 at 8:25 am Leave a comment


Atty, Jazon Collado, ang mga nagsasabing bastardized ang party-list system sa bansa ay siya rin mga nagtulak para magkaroon nito at sila rin ang unang mga nanalo dito.

Ang gusto ng iba, ma-disqualify ang mga party-list na mayayaman ang nominees.

Ang gusto ng iba, ma-disqualify ang mga party-list na hindi nagmumula sa sector ang nominees.

Pareng Alfred kumusta ang The Generics Pharmacy mo sa Tayug?

Ang party-list ay dapat kumakatawan sa isang marginalized sector ng lipunan.

Magsasaka, mangingisda, manggagawa ang mga halimbawa ng marginalized.

Ang Abono Party-list ay kumakatawan sa programa na mag-aangat sa buhay ng mga nasa agrikultura.

Ang sabi nila ang party-list ay dapat galing sa mahirap.

Ang mga manggagawa, magsasaka at mangingisda ay mahirap at sila ang pinagmumulan ng pagiging makamahirap ng Abono Party-list.

Pareng Rolly Montemayor ng Manaoag, paano naman kung ganito ang situwasyon?

Ano ang party-list na kakatawan sa isang marginalized sector?

Ang Topak Party-list ay nagparehistro representing those that are mentally handicapped.

Mahihirap lang ba ang mentally handicapped?

May mga mayayaman din na mentally handicapped.

Pareng Buknoy, ang sabi nila dapat ang nominee ng isang party-list ay nagmumula sa uri na gusto niyang i-represent sa congress.

Kung ang party-list mo ay para sa magsasaka, dapat ang nominee mo ay magsasaka din…tama ba?

Kung tama…eh di ang dapat na nominee ng Topak Party-list ay mentally handicapped din. hahaha

Kaya ba ng isang mentally handicapped ang makipagsabayan at makipagbalitaktakan sa congress?

IBOTO ANG TOPAK PARTY-LIST! BOSES NG MGA MAY TOPAK!

Kasamang Roy, sa isyu naman ng representation ng marginalized o underrepresented tayo.

Alam niyo naman na kokonti lang ang bilyonaryo sa Pilipinas? Sila ay underrepresented.

IBOTO ANG BILYONARYO PARTY-LIST! ANG BOSES NG UNERREPRESENTED SA CONGRESS!

Sila ay marginalized at underrepresented. Wala silang boses sa congress.

Puede ba silang magtayo ng Bilyonaryo Party-list?

Alam niyo ba na kokonti din ang mga may-ari ng helicopter at sila din ay underrepresented sa congress dahil wala silang boses sa congress.

Puede ba silang magtayo ng Chopper Party-list?

IBOTO ANG CHOPPER PARTY-LIST, ANG BOSES NG MGA MAY HELICOPTER SA KONGESO!

Sa isyu naman ng nuisance candidate.

Ang Comelec ang nagsasabi kung ikaw ay nuisance candidate o hindi.

Ang party-list ay nationwide ang scope or constituency.

Ibig sabihin, bilang party-list kailangan mo ng mga miyembro at pera para mangampanya sa buong Pilipinas.

Paano makakapangampanya ang isang partylist kung ito ay walang miyembro at pera.

Kung ikaw ay walang kakayahan para maglunsad ng nationwide campaign, ikaw ay idedeklara ng Comelec na nuisance candidate.

OPO, Kap Andres Flores ng Rosales, totoo po na maka-administrasyon ang Abono Party-list.

Ang kanyang pinaniningdigan ay ang katotohanan na ikaw ay ibinoto ng tao para maging boses nila sa administrasyon.

Kahit na kalaban mo sa halalan ang mamumuno sa administrasyon dapat na makipagtulungan ka dahil ito ang kagustuhan ng taumbayan kaya ka nila ibinoto.

Ang Abono Party-list ay sumuporta sa mga kalaban ni GMA noong 2007 pero pagkatapos manalo at maupo bilang boses ng mga nasa agrikultura, nakiisa ito sa GMA administration para isulong ang ikabubuti ng buhay ng mga magsasaka at mangingisda.

Paminsan minsan ay nagbibigay puna din ang Abono Party-list sa mga ginawa ng GMA Administration katulad ng pagtutol nito sa importasyon ng bigas, feedwheat at karne.

Halimbawa na hindi sinusuportahan ng Abono ang kandidatura ni Villar at pagkatapos ng halalan ay si Villar ang manalo…ang Abono Party-list ay makikipagtulungan sa Villar Administration para isulong ang kanyang agenda na makakapag-angat sa kabuhayan ng mga taga-probinsya.

Entry filed under: News.

Two Villasis village heads receive coffins Sta. Barbara launches Summer Skills Training Program

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 973,698 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

May 2010
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: