Q & A: Manay GINA DE VENECIA tells it like it is

April 22, 2010 at 12:49 am Leave a comment


In this candid interview, the celebrated icon of women empowerment Manay Gina de Venecia— founder of The Haven for Women, The Haven for Children, The Haven for the Elderly, INA Healing Center and the Women’s Desk, bares her heart to NW on controversial issues in her startling quest to win the 4th District’s congressional race.

NW: Compared to the other candidate, you have a considerable advantage, as shown by the surveys and the big crowd in campaign gatherings, but why is it that you seem relentless in your campaign?

Manay Gina: I just want to make sure that the people of the 4th district won’t be held hostage by the personal vendetta being waged by the other candidate, whose sole motive is not to help the people but to avenge their political loss in the last elections.

Ito ay hindi para sa personal pride dahil ang nakataya dito ay ang kinabukasan ng more than 225,000 residents of the 4th district.

NW: What’s your response to people who say: De Venecia na naman? Wala na bang iba?

Manay Gina: Actually, ‘yan din ang tanong ko sa mga leaders natin nung kinausap nila ‘ko kung puwede raw na ako ang humalili sa inyong Kuya Joe. It was on June 7, last year, nung nagpunta dito ang halos lahat ng kapitan from 140 barangays, at ang limang mayors and vice-mayors ng 4th District. Pamilyar na raw sila sa akin, dahil ako ang laging kasama ng inyong Kuya Joe sa pag-aasikaso sa Distrito.

At dahil mahal ko ang kababayan natin at mahigit kalahati ng buhay ko ay dito ko ginugol, tinanggap ko ang kanilang alok to be their next representative sa Kongreso.

Wala namang masama kung De Venecia na naman. In the first place, nakikita naman nating outstanding ang ginawa ng inyong Kuya Joe. In fact, after the 1990 earthquake, mas gumanda pa ang ating distrito dahil sa rehabilitation efforts na isinulong ni JDV.

Ngayon, in terms of infrastructure, masasabi nating ang 4th District ang isa sa pinakamaganda sa buong bansa. Pati ang Dagupan ay nagkaroon ng bagong business districts, mula Calasiao hanggang Pantal at Lucao areas dahil sa De Venecia Expresway at yung magandang tulay na kinuha nya sa Japan, at no cost to the Philippine government.

Itong pagkuha n’ya ng multi-million seafood processing plant mula sa gobyerno ng Korea, na wala ding gastos ni singko mula sa ating bansa ay isa ring napakagandang proyektong pangkabuhayan na hindi basta makukuha ng ibang lider.

He’s a visionary at wala siyang nasa isip kundi ang progreso ng bayang mahal na mahal niya. At bilang kanyang maybahay, buong-puso akong nakikisa sa magandang pangarap niya para sa Distrito.

NW: They say you’re not from Pangasinan. Do you think this is campaign issue?

Manay Gina: Wala akong choice kung saan ako isinilang, pero may choice ako kung saan ko gustong maglingkod. But I don’t want to ride on that issue kasi propaganda yan ng kabila, para pagtakpan yung kawalan nila ng accomplishments.

Siguro, panahon na para magka-isa tayo. Ang importante, lahat tayo ay Pilipino na dapat magtulungan para maka-ahon sa hirap ng buhay.

Ang dapat suportahan ng tao ay yung subok na. Huwag sana nilang isugal ang kanilang kinabukasan sa mga kandidatong biglang lilitaw sa panahon ng eleksiyon dahil lang sa bugso ng damdamin dahil hindi matanggap ang pagkatalo nila kay JDV noong nakaraang eleksiyon.

NW: What can you say to Manny Villar’s statement that NP has no congressional candidate despite the fact that you were issued a CONA (Certificate of Nomination) by NP?

Manay Gina: “I stand by my statement that I have a CONA signed by him (Manny Villar).”

NW: Why did you join the NPC? Who’s your official candidate for President?

Manay Gina: Pinili ko ang NPC dahil ito ang natural ally namin sa Kongreso noon pa. Sa lahat ng laban ni JDV para maging Speaker,ang swing vote ay nagmula sa Nationalist People’s Coalition.
Pangalawa, para kong tunay na pamilya sina Kongresman Mark at Mayor Kimi Cojuangco. Mahal ko rin at iginagalang ang lider ng NPC na si Ambassador Danding Cojuangco gayundin ang maybahay niyang si Gretchen.

Pangatlo, wala akong alam na candidate for President ang NPC. Alam naman n’yo na malapit ako sa top three presidentiables. Kahit naging karibal ng inyong Kuya Joe sa pagka-Presidente noon si Pangulong Erap (Estrada), napaka-unconditional naman ng suporta niya sa akin at mahal ko rin ang kanyang pamilya, gaya ng inaanak kong si Jinggoy.

Si Noynoy (Aquino) naman ay para ko nang pamilya dahil kay Tita Cory, who never left me when I was down. Ngayong kailangan nila ako, parang napakahirap if I will turn my back.

Si Manny at Cynthia (Villar) naman, kaibigan na naming matagal. So, pa’no kami mamimili sa tatlong kapatid? Si Manny, Noynoy at Pangulong Erap ay pare-parehong malalapit sa amin.

But as I said, hindi na mahalaga ang damdamin ko, dahil ang magiging desisyon namin ng inyong Kuya Joe ay depende sa kung sino sa kanila ang talagang makakatulong sa ating Distrito.

NW: Who’s your idol, among women leaders?

Manay Gina: Unfortunately, both of them have passed away. Si Tita Cory at saka si Mother Teresa.

NW: How are you and GMA?

Manay Gina: Nagdesisyon kaming lagyan ng closure ang aming tampuhan because it’s the Christian way. At kung anuman ang mangyari sa amin in the future, only time will tell. Ngayong papasok ako sa public service, mas maganda yung wala akong dinadalang bigat ng loob, just like a bird, na very smooth ang paglipad kasi walang baggage.

NW: What can you offer to the electorate?

Manay Gina: Siguro yung unconditional love, yung serbisyong walang hinihintay na kapalit. Alam po ninyo, may eleksiyon man o wala, narito kami, tumutulong. At kahit wala ako sa pulitika noon, nakapagtayo ako ng mga bahay-kalinga for the disadvantaged women, children, the elderly and bereaved mothers.

NW: What will you do if you lose?

Manay Gina: I ran to win. Pero kung hindi loloobin ng Panginoon, I guess I will continue celebrating life. Life is precious. It is also short and we don’t know kung buhay pa tayo mamaya. So, we have to celebrate life, right now.

Entry filed under: Features.

ANG MASO: 18…10…10…4 No politicians allowed at Bangus Festival

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 947,577 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

April 2010
S M T W T F S
« Mar   May »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,453 other followers


%d bloggers like this: