ANG MASO: Lokal media minaliit na naman!

March 22, 2010 at 6:28 pm Leave a comment


By Brando Cortez

GRADUATION NA NAMAN! Kaliwa’t kanan ang pagbati ng kung sino-sinong mga kandidato ang iyong makikita sa mga tarpaulin na nakasabit sa kung saan saan.

Manong Jun Esperon, maganda po ang inyong panawagan na “Isang college graduate sa bawat pamilya” sa district 6.

Ayon sa statistics…apat (4) lang sa bawat sampu (10) na pumapasok ng grade one ang nakakarating ng college.

Una, binabati ko lahat ng mga estudyanteng hindi kasali sa “Top Ten” ng graduating class dahil nakatapos kayo kahit hindi “top ten.” Mabuhay kayo!

Pangalawa, binabati ko ang mga magulang ng mga estudyante na hindi kasali sa “top ten” ng graduating class dahil napagtapos niyo ang anak niyo kahit hindi “top ten.” Mabuhay Kayo!

Pangatlo, hayaan niyong ipaliwanag ko ang aking pagbati sa mga nag-gradute na hindi kasali sa “top ten” at sa kanilang mga magulang.

Panahon na naman ng pagtatapos sa mga paaralan at ang karaniwang binibigyang papuri at medalya ay yung mga nasa “top ten,” at iilan lang sila.

Nakakalimutan ng ating sistema ng edukasyon na dapat bigyan diin ang pagbibigay halaga sa mas nakararaming nagtapos na kasabay nang mga nasa “top ten.” Talagang napakarami nila.

Tama ban a dahil hindi ka kasali sa “top ten” ay hindi ka na dapat binibigyang parangal?

Maraming dahilan kung bakit napapasama sa “top ten” ang isang estudyante.

Marami din dahilan kung bakit hindi napapasama “top ten” ang isang estudyante.

Ang ibig kong sabihin ay ganito.

Si Buknoy ay isa sa mga magtatapos ngayon sa mababang paaralan, pangalawa sa panghuli ang ranking niya sa lahat ng ga-graduate.

Ang tatay niyang si Mang Amado at nanay na si Aling Marlyn ay parehong magsasaka.

Dampa ang kanilang bahay. Sardinas na sinabawan o kaya naman ay noodles na maraming sabaw ang karaniwan nilang pagkain.

Ang uniporme niya ay pinaglipasan ng mga anak ng kanilang kapitbahay.

Nilalakad niya ang tatlong kilometro araw araw sa pagapasok sa eskwelahan at lakad na naman siya sa pag-uwi sa bahay.

Madalas siyang walang baon kaya hindi siya nagmemeryenda kapag recess na at nanghihingi na lang siya sa classmate ng papel kung may quiz.

Kung minsan pasado siya sa quiz at kung minsan bagsak naman siya.

Kung minsan nag-aabsent siya dahil kailangn niyang tumulong sa bukid.

Kung minsan nag-aabsent siya dahil may project na kailangan i-submit pero hindi niya nagawa dahil wala siyang pambili ng materyales.

Noong minsan “zero” siya sa “star gazing” activity dahil hindi siya nakabayad.

Ang “star gazing” daw ay project sa eskwelahan kung saan kailangan mong magbayad para makita mo ang mga bituin sa kalangitan.

“Araw-araw ko ngang nakikita ang mga bituin sa butas ng bubong namin sa bahay, libre pa!” ang sabi ni Buknoy sa sarili.

Kahit na hindi siya nakapagbayad sa “star gazing” alam niya na walang mga bituin kung maulap ang kalangitan.

Alam din ni Buknoy na malamang na uulan kung walang bituin sa langit.

Marami na rin siyang nakitang “falling stars.”

Pero ang lagi niyang tinitingala ay yung maliwang na bituin sa kanyang paggising sa madaling araw.

Itong maliwanag na bituin na kanyang tinitingnan ng walang bayad ang kanyang gabay sa bawat umaga.

Ito ang buhay ni Buknoy bilang isang estudyante mula grade one hanggang grade six.

Maraming katulad ni Buknoy sa ating paligid na nagsumikap na makapagtapos hindi na para mapasama sa “top ten” kungdi ay para makapagtapos lamang.

Si Buknoy, tulad ng ibang hindi kasali sa “top ten” ay hindi rin sigurado kung makakapag enrol sa mataas na paaralan sa darating pasukan.

Kahit na Free Education ang policy ng ating gobyerno, hindi kaila na maraming binabayaran bago makapag-enrol, habang nag-aaral at sa graduation mismo.

Ang Valedictorian at iba pang top ten ay makakakuha ng scholarship…pero iilan lang sila.

Hindi natin puedeng hayaan na lang na yung “top ten” na lang ang parating tinutulungan ng gobyerno at ng mga pulitiko at sila na lang ang may pag-asang makaahon mula sa kahirapan.

Pero, sino ang may reponsibilad sa edukasyon at kinabukasan sa mas nakararami na katulad ni Buknoy? Napakarami nila.

SMILE!…ADVICE NI VM SIM! Opo…smile lang ng smile! Iyan ang advise ni Rosales vice mayor Romy Sim kay vice mayoralty contender Doc Jojo Estrella Pajela.

Sabi ni Vice mayor Sim na siya ay laging naka-smile kahit noong bata pa siya.

Kung ikaw ay hindi sanay mag-smile…at ikaw ay papasok sa pulitika, dapat pag-aralan mong ngumiti…Smile.

People love to see people smiling. Smiling is infectious.

It contributes to a longer and happier life

And what is a smile if you don’t share it?

Oo nga pala, si vice mayor Romy Sim ay magpapatuloy sa kanyang pagsisilbi sa bayan ng Rosales bilang konsehal ng bayan.

LOKAL MEDIA MINALIIT NA NAMAN! Sa mga media practitioners ng Pangasinan Katulad ng mga members ng MetroUrdaneta Press Club, PATR IMA, PPC, PPRC, at KBP Pangasinan…hindi lang pala kayo ang naka-experience ng pagiging second class media sa kamay ng media handlers ni Villar.

Bok Ging Cardinoza at Joel Balolong ng Aksyon Radyo Dagupan, sa Negros ay pareho pala ng pangyayari sa huling visit ni Villar sa Pangasinan. Hehehe.

Eto po ang sinabi ni Ka Nimfa Leonardia ng Bacolod tungkol sa kanilang experience sa pagbisita ni Villar sa Negros :

Speaking of Villar, members of the local media who covered his sorties in Sagay were obviously disgusted at the way his media handlers seemed to look down on them, cottoning only to the ones from the national press. I hope they have not forgotten that, since they are in the provinces, the locals in the media will be able to help them more as far as voters here are concerned. During the press conference, I heard, the ones from the national press were seated with Villar facing them, and the “locals” had to stand behind him, like poor relations. Also, the hometown kids hardly got to ask questions, seems the subjects were already known to the candidate and when they had been asked, the press conference was ended.

Well, the local press people, the “promdis” should not feel so bad about being treated like that. If they were frustrated at not being able to ask questions or interview this candidate they only have to remember that he would not even answer his fellow senators, so why should they expect to be given more importance? Some later said they think he is already behaving like a president, or one with a foot in the Malacañang door. Uh, uh, is there some thing to this “Villaroyo” claim, after all?

“Idol” Orly Navarro, pupuntahan niyo pa ba ang mga pagbisita ni Villar dito sa Pangasinan?

Maglalabas pa ba kayo ng press release mula sa kanila kahit may bayad?

Simpleng community journalist lang naman tayo na gustong maihatid ang balita sa ating mga kababayan sa Pangasinan.

Kahit wala naman sila, makakapaglabas pa rin tayo ng mga isyu na makakabuti sa pagpapaunlad ng kamalayan ng bawat isa.

HEALTH TIP. Sa gitna ng tinatawag nilang El Niño, Correct timing sa pag-inom ng tubig ay makaka-maximize ng kanyang effectiveness sa ating mga katawan.

Kap Andres Flores “BOY SIANANG” ng Rosales, hindi dahil mainit ay inom na lang ng inom tayo ng tubig.

Uminon ng isang baso ng tubig pagkagising sa umaga. Ito ay makatulong para ma-activate ang mga internal organs.

Uminom ng isang basong tubig pagkatapos maligo. Ito ay makapagpababa ng blood pressure.

Uminom ng dalawang baso ng tubig 30 minutes bago kumain. Ito ay makakatulong sa digestion.

Uminom ng isang basong tubig bago matulog. Ito ay makakatulong sa prevention ng stroke o kaya ay heart attack sa hatinggabi.

Entry filed under: Opinion.

JDV: Postpone barangay elections EDITORIAL: Increase the budget not the tuition

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,343 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

March 2010
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: