Ang Maso

March 4, 2010 at 6:48 am Leave a comment


By Brando Cortez

Muntik nang mag-walk out

MUNTIK NG MAG-WALK OUT ang local media na nag-cover ng press conference ng isang grupo ng national candidates.

Pareng Jigs, alam mo ba na ang dahilan ay nagmataas ang isang Avic na senate staff daw ng isang presidentiable?

Para bang ini-small niya ang local media.

Akala mo siya lang ang marunong magsulat at magreport.

Ms. Avic, asahan mo na wala kaming ilalabas na press release niyo.

Matagal na naming ipinaglalaban ang Freedom of Information Act pero ikaw pala ang isa sa mga taong madamot magbigay ng information.

Bahala na lang kami sa mga source naming ng information.

Ang buong media groups sa Pangasinan ay magboboykot sa mga press releases na magmumula sa iyo.

Sayang ang presidente mo dahil hindi siya dadalhin ng matinong media sa Pangasinan.

Kung hindi lang dahil sa magandang relasyon ng local media sa vice presidential candidate nila, tuloy na tuloy na sana ang walk-out.

PALPAK NA SORTIE! Ang sortie ng nasabing presidentiable at ng kanyang grupo ay palpak.

Ka Rudy Cañeda ng Mindanao command, kumusta ka na?

Mukhang hindi kasi gamay sa paggawa ng political sortie yung napag utusan.

Mukhang ang gamay niya ang mag schedule ng business orientation meetings.

Ang balita ko ay isang tao na ang trabaho ay magtinda ng lupa ang gumawa ng schedule.

Akalain mo ba na nag-schedule siya ng sortie sa PSU Urdaneta Campus ng 12:00-12:30?

Bakit ito kapalpakan?

Kasi walang pasok sa nasabing University kung Sabado. Hehehe.

Akalain mo rin ban a nag-schedule siya ng Market visit sa Pozorrubio sa oras na alas tres ng hapon?

Bakit ito kapalpakan?

Ang oras ng pamamalengke ng taga-probinsiya ay alas kuwatro ng umaga hanggang alas diyes ng umaga.

Ang dadatnan mo sa palengke ng Pozorrubio ay iyong mga natutulog sa bangko. Hehehe.

Sa susunod ang dapat na gumagawa ng sortie schedule ay iyong mga political officers or P.O.

Ang P. O. ay isang breed ng mga tao sa pulitika na iba ang kakayanan.

Walang University ng Political Officers.

Sila ay nadedevelop at nahahasa sa pamamagitan ng karanasan.

VILLASIS TURNS ORANGE. Nagkulay orange ang Villasis noong nakaraang sabado.

Kung ikaw ay political observer sa Villasis, ito ay hindi dahil ang Villasis ay siguradong boboto na sa kandidatong naka-orange.

Ang akala siguro nung kandidatong naka-orange para sa kanya ang mga taong sumalubong sa kanya, hindi ka pa nakasisigurado.

Ang dagsa ng tao sa Villasis ay isang show of force ng isang kandidato sa pagka vice mayor.

Ito ay dapat pag-aral ng kabilang kampo.

Ang dami ng tao ay isang indicator ng drawing power ng babaing contender sa vice mayor ng Villasis.

SANCTITY OF THE BALLOT. Unconstitutional ang paraan ng pagboto sa halalan sa 2010.

Tama ka, bok Melvin. Ang sabi sa constitution ay dapat mangibabaw ang sanctity of the ballot.

Ibig sabihin, kung ikaw ay boboto dapat malinis ang botohan.

Dati, ang balota pagkatapos mong isaulat ang mga kandidato mo ay itutupi (fold) mo at ihuhulog sa ballot box.

Walang nakakita ng isinulat mo.

Ngayon, hindi mo puedeng itupi (fold) bago isaksak sa machine.

Ibig sabihin maraming watcher ang makakakita ng nilagyan mo ng shade na kandidato mo.

Dito nawawala ang sanctity of the ballot.

Kung ikaw ay kandidato na bumubili ng boto, kayang kaya na ma-check ng watchers kung ikaw ang nalagyan ng shade.

Kayang kayang makita ng mga watchers mo o spotters mo kung aling kandidato ang may shade o wala.

Bago mo isaksak ang balota, kitang kita ang pangalan mo kung may shade o wala.

Hehehe, hindi mo na kailangan ngayon ng carbon paper para ma-check kung ikaw ang ibinoto ng binili mo.

Pera pera lang ba talaga ang halalan.

Dahil nalabag ang principle na sanctity of the ballot, maaring magdeklara ng failure of elections at tuloy tuloy pa rin ang naghaharing uri sa kanilang pag upo sa inidoro sa malakanyang.

Entry filed under: Opinion.

Q & A: Remulla hopes informercials improves his ratings EAVESDROPPER: The captive press

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,738 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

March 2010
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: