Ang Maso: ITINAAS ANG KAMAY.

February 26, 2010 at 10:47 am Leave a comment


By Brando Cortez

Itinaas ni Gov. Espino ang kamay ni manong Jun Esperon sa okasyon ng launching “Jeepney in the Sky” sa Binalonan.

Manong Anong, kasama sa opening ng nasabing “Aeronautical Highway of Northern Luzon,” ay sina Abono Party-list Chairman Rosendo So, Governor Amado Espino Jr., Cabinet Officer for Regional Development -Ilocos Region and Presidential Management Staff Chief Hermogenes Esperon Jr., Trade Secretary Peter Favila, Environment Secretary Horacio Ramos, at iba pang Cabinet officials, at siyempre hindi mawawala si Mayor Ramon Guico Jr.

Ang opsiyal na taasan ng kamay sa local na labanan ay magsisimula sa March 26, siyempre pormal na itataas ni Gov. Espino ang kamay ni manong Jun Esperon kasi pareho silang nas Lakas CMD- Kampi.

WALANG TUNAY NA PAGBABAGO. Mula nang pairalin sa Pilipinas ang demokrasyang made in Amerika, naging mabisang instrumento na ng mga elitistang namumuno ang moro-morong eleksiyon upang magpalitan sa pag upo sa inidoro ng kapangyarihan sa Malacañan.

Kaya naman Atty Jazon, hindi nakapagtataka na kahit santambak ang mga problema ng Pangasinan na dapat na unahin nilang pag-ukulan ng panahon at pagsikapang lunasan, nagbabalyahan na ang mga ito kung sino ang dapat mamuno sa mahal nating probinsiya sa 2010.

Ilang angkan nga ba lamang ang sugapang kumakatawan sa pambansang elitistang liderato?

Dahil sa nabanggit na umiiral na kalakaran sa pambansang pulitika, nasaksihan natin na walang tunay na pagbabago sa bawat eleksiyon.

Lumalabas na laro lamang ang halalan para lamang patuloy nilang matamasa ang biyaya ng kapangyarihan.

Kanya kanyang panahon nga lamang ang pandarambong sa pondo ng gobyernong galing sa pawis at dugo ng dayukdok na mamamayan.

May administrasyon ba na walang bahid ng korupsyon?

Kung napatalsik man sa inidoro ng kapangyarihan ang isang paksyon dahil sa katiwalian, ang papalit sa trono ay mas mabilis pa na gagawa ng paraan upang pakialaman ang kaban ng bayan.

Wala tayong ginagawa kungdi ang magtitiis mamaluktot sa gutom at pabayaan sila na magtampisaw sa kapangyarihan?

Ngayon pa nga lamang nagsimula na silang ipakilala ang sarili bilang tunay na makadiyos, makabayan, makatao at makakalikasan.

Ang matAgal nang hinihintay ng mga nag-aaral sa pulitika n gating bayan ay ang pagkilos ng ordinaryong Pilipino.

Nakasalalay sa kamay ng ordinaryong Pilipino ang tunay na pambansang pagbabago.

PANALO SI OMPONG PLAZA! Ngalabas na ang Korte Suprema ng desisyon na tama si senatorial candidate Ompong Plaza na dapat patalsikin na si Madam Elena Bautista bilang hepe ng Marina .

Ang Marina po nangangasiwa ng shipping industry.

Ayon kay Rep. Ompong Plaza, sa termino ni Madam Elena Bautista nangyari ang sunod-sunod na sakuna dahil wala daw siyang kakayahan na pamunuan at isaalang alang ang buhay at ari-arian ng mga bumibiyahe sa dagat.

Bok Mike, panalo si Ompong Plaza sa laban na ito.

RICE IMPORTATION. Hay naku! Alam mo ba bok Roy na itinaas ng gobyerno ang ceiling sa rice imports sa 3 million tons para sa 2010 dahil daw sa El Nino phenomenon. Officials said the decision was preemptive. Imports might not go that high.

Ang importasyon ng 3 million tons ay napakalaking bulto ng bigas na kaya naming i-produce ng magsasakang Pilipino.

Nangangahulugan ba ito na palpak ang Department of Agriculture sa kanyang Rice Program?

Noong 2008 nag-import ayo ng 2.3 million tons tapos noong isang taon naman ay nag-import tayo ng 1.8 million tons.

Tatlong taon na sunod-sunod na importation.

Tatlong taon na magsasaka ng ibang bansa ang ating sinusustentuhan.

Ano ba talaga ang totoo?

Self sufficient nab a ayo sa rice? O Hindi?

Ano ba talaga ang dahilan kung bakit tayo nag-iimport?

Ang isang sinasabi nila ay kung ang 3 million tons ay binili sa halagang $600 per ton ang total na ibabayad natin ay $18 billion o P183 billion.

Ang halagang 183 billion pesos ay nakakalulang basahin at iyan ay halagang lalabas sa ating bansa.

Ang alam ng karamihan na traders ay may commission sa importation na umaabot sa 5 percent.

Alamo mo ba na ang 5 percent ng 183 billion pesos ay 4 billion pesos na mapupunta sa bulsa ng ilang nasa kapangyarihan.

Nagkaroon ng pagkakataon na siraan si Sen. Trillanes ng maglabas ng audit report nag CoA.

At number four daw siya sa pinakamataas ang gastos.

Bakit hindi Si Sen. Gringo (P17.902 million) ang binigyan nd diin bilang pinakamagastos? O kaya naman ay si Sen. Jinggoy Estrada (P17.521 million) na nag number 2 or si Sen. Ramon Revilla Jr., (P17.479 million)?

Sino ba ang nagpalabas ng kuwento?

Dahil konti lang ang naglabas ng sagot ni Sen, Trillanes, hayaan niyo po na ipabasa ko sa inyo ang kanyang sagot.

“Two weeks ago, I was again the subject of media reports regarding Senate expenditure. The primary issues focused on my being the 4th biggest spender and that I spent P247,000 in travel allowances even though I’m still detained. I immediately asked my staff to secure a copy of the CoA report to verify the truthfulness of the media reports. Hereunder is my explanation:

“1. Regarding the travel expenses, the CoA report (which was printed on the Feb. 1, 2010 issue of the Philippine Star) showed that all 23 senators were allocated the amount of P247,000 each for local travel expenses. Apparently, the media literally took it to mean that it is solely for the personal consumption of the senators as individuals and not an allocation for the Office of the Senator as it was meant to be. In my office, we utilize that allocation for the daily travel expenses of my staff whenever they deliver documents to me in Camp Crame as well as other official functions. To put the amount in the proper perspective, the P247,000 allocation equates to only P680/day for fuel allowance and vehicle maintenance for the whole staff. This amount is not exorbitant in any way.

“2. As for being the 4th biggest spender, the only explanation, basing on the CoA report, is that my office has the most number of employees. On average, I have 10 more employees than the other senators. With a salary of around P15,000/month, 10 employees would equate to P1.8 million more in expenses per year than the other senators. The question now is, why do I employ more than the others? Well, aside from the fact that the Senate gave my office a quota of around 30 plantilla positions which I optimized, I believe that the number of staff I hired is necessary for me to accomplish my legislative functions. Another question is, are they efficient? Based on the legislative output of my office for the past three years, we ranked 7th in terms of number of bills and resolutions filed (around 342) and, of these, nine have been passed into law (with five laws as principal author). In short, my office has been very efficient in its use of allocated resources. In comparison, Sen. Joker Arroyo, who spent around P12 million and for which he was praised by the media as being very thrifty in spending resources, employs only a staff of three or four people and for the past three years has not filed a single bill and was only able to file four resolutions.”

Advertisements

Entry filed under: Opinion.

EDITORIAL GK village to rise in Villasis

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 915,583 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

February 2010
S M T W T F S
« Jan   Mar »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,430 other followers


%d bloggers like this: