Ang Maso: Brando Cortez

February 14, 2010 at 8:51 pm Leave a comment


Ang red book at ang facebook

Kasamang Melvin, kumusta na ang kampanya ni Manong Jun Esperon.

Dati ang binabasa mo ay red book para sa mga batayang prinsipyo na itataguyod para sa panlipunang pagbabago.

Ngayon facebook na.

Kaugnay ng red book, pamilyar ka arin ba dito mayor Nani? nais ko lang i-share ang kwento ng “Ibon nag-aral lumangoy, isda nag-aral lumipad.”

Ito ay kaugnay sa gawain ng mga aktibista na humalaw ng kaalaman at karanasan sa isang komunidad para tukuyin ang paraan ng pagbabago na naaayon sa realidad sa masa.

Ang mga aktibista noong 1980’s ay may mga karanasan patungkol sa “immersion programs” o “pagbabad sa komunidad.”

Ang ibon ay maaaring ihambing sa mga intellectual habang ang isda ay maaring ihambing sa mga tao sa grassroots level.

Sa paghahangad ng panglipunang pagbabago, may relasyon ang ibon sa isda at may relasyon ang isda sa ibon.

Lumilipad ang mga ibon at meron silang “bird’s eyeview” sa kung ano ang nasa ibaba.

Madaling makapagbago ng direkson ang mga ibon…puedeng lumipad ng pagkataas taas at puede ding biglang mag-dive pababa.

Ganyan din ang mga intellectual…kaya nilang paglaruan ang kanilang mga idea.

Habang nasa himpapawid ang mga ibon ay nakikita nila ang mga isda sa dagat.

Mula sa bird’s eyeview…mukhang hindi gumagalaw ang mga isda.

Ganyan ang paningin ng mga intellectual.

Itinatanong ng mga intellectual kung bakit hindi gumagalaw o kumikilos ang mga nasa grassroots?

Dahil sila ay intellectual, nagmamadali at gustong gusto ng mabilisang pagbabago ang akala nila ay sila na lang ang kumikilos para sa pagbabago.

Pero ang mga isda ay may ibang realidad.

Ang masasabi ng isda sa ibong ay ito: “Madali at mabilis kang nakakakilos dahil ang hangin ay manipis. Subukan mong bumaba at magbabad dito sa tubig para maranasan mo na ang pagkilos dito ay hindi kasing dali ng pagkilos sa hangin.”

Dahil mataas at malayo ang ibon hindi niya nakikita ang tunay na nangyayari sa ibaba.

Kung lalapit ang ibon sa mga isda ay makikita niya na ang mga isda ay kumikilos din, hindi nga lang kasimbilis ng pagkilos ng mga ibon.

Manhid na sa tubig ang isda.

Kung tatanungin ng ibon ang isda ng: “mareng isda, kumusta ang tubig?”

Ang isasagot ng isda ay: “Anong tubig?”

Maiintindihan lang ng ibon ang pagkilos ng isda kung pag-aaralan niyang maglangoy kasama ang mga isda.

Pag akyat niya sa mga kapwa isda, marami siyang maikukuwento tungkol sa kanyang karanasan at natutunan sa paraan ng pagkilos ng isda sa tubig.

Sa kabilang banda naman, hindi ba dapat na turuan din ng ibon ang mga isda na lumipad?

Kung natutunan ng ibon na maglangoy sa tubig, dapat matutunan din ng isda kung paano lumipad.

Ang pagsasama ng puwersa ng ibon na marunong lumangoy at isdang marunong lumipad ang magbabago ng kapaligiran.

Ang pagsasama ng mga intellectual at ng grassroots ay ang tamang hakbang sa tunay panlipunang pagbabago.

ARENAS-DOMANTAY MAGKASAMA! Buong araw na magkasama sina Abono chairman Rosendo So, Rep. Racel Arenas, Mapandan mayor Ferdie Calimlim (candidate for vice governor) at Sec. Bebot Bello (candidate for senator) at sila ay bumisita sa lahat ng bayan ng third district.

Mayor Ayoy ng San Carlos City, alam mo ba na pagdating namin nila Bos Sendong sa Malasiqui ay buong pusong nagbigay ng welcome si Mayor Armando Domantay kay Cong. Rachel Arenas?

Habang nasa stage sila ay mahaba-haba din ang kanilang pinag-usapan.

Mayor Ric Camacho ng Bayamabang, hindi ba napakagandang pagmasdan ang dalawang tao na di-umano ay magkaaway sa pulitika na very civil to each other at nag-uusap ng masinsinan?

Pangarap ni Bos Sendong na mawala na ang mga intriga sa pagitan ni Mayor Armand at Cong. Rachel para sa patuloy na pag-unlad ng Malasiqui.

Solid na kay Gov. Espino si Cong Rachel Arenas dahil ako mismo ang nakakita at nakarining na part na rin daw siya ng Team Espino na nagsusulong ng pag-unlad ng Pangasinan.

Kahit na si Calasiao Mayor Roy Macanlalay ay Gov. Espino na rin ang itinutulak para sa 2010…kahit na hindi pa personal na nag-iikot sa bayan ng Calasiao si Gov.

Advertisements

Entry filed under: News.

EDITORIAL Fertilizer subsidy awarded to farmers

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 933,165 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

February 2010
S M T W T F S
« Jan   Mar »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,442 other followers


%d bloggers like this: