SY FILES: Are the women the weaker sex?

January 22, 2010 at 8:32 am Leave a comment


By Susan Yadao

Aminado akong weaker sex ang babae kung physical strength ang pag-uusapan, pero sa ibang aspeto, aba! eh mahabang talakayin ito.

Sa mga Pinoy ang babae ang humahawak ng wallet at ng bank account ng mag-asawa. Babae rin ang namamahala at nagba-budget sa lahat ng gastusin sa bahay at lahat ng pangangailangan ng pamilya. Siya rin kadalasan ang bahala kung ilan ang itatabi para makapag-ipon at kung nagkukulang naman siya pa rin ang nagtatakip at nagreremedyo ng pampuno.

Swerte ng babae kung hindi nahihirapan sa pagbabudget dahil sobra sobra ang hawak nitong salapi samantalang malas naman kung palaging kulang at kakarampot ang budget dahil nakaatang sa kanya ang galing at husay kung paano niya ito pagkakasyahin.

Maraming magagandang kwento tungkol sa mga kababaihang naiahon nila sa kahirapan ang kanilang pamilya. Mga kababaihang likas na madiskarte at masipag o kaya’y ‘no choice’ lang talaga dahil walang maaasahang iba.

Mapapansin din na mas tiwala ang gobyerno at mga pribadong sector na tulungan ang grupo ng mga kababaihan pagdating sa mga livelihood programs, anti-poverty interventions, health programs at kung anu-ano pa. Mas tiyak daw na may patutunguhan at lalago ang proyekto kung babae ang mamahala dito.

Are women really weaker sex? Hmm. . . think again.

**********

It’s been told several times, behind the success of a man is a woman. (Behind the success of a woman is herself – ed)

It’s been told also, behind the success of Former Speaker Joe de Venecia is Manay Gina de Venecia.

Si Manay Gina ang nasa likod ng matagumpay na karera ni JDV sa pulitika. Kasama lagi ni JDV si Manay sa pagharap at pakikisalamuha sa kanilang mga political leaders.

Sa panahong si Manay Gina ang presidente ng congressional spouses foundation, hindi nito sinayang ang pagkakataon para makagawa ng mga makabuluhang proyekto katulad ng haven for women ( para sa mga babaeng naabuso at inaapi), haven for children (para sa mga batang inabandona ng magulang) INA foundation (para sa mga inang naulila sa anak) at haven for the elders (para sa mga senyur citizens).

May personal touch si Manay Gina sa lahat ng kanyang mga proyekto. Lalo na sa mga myembro ng INA foundation. Na-touched talaga ako isang araw ng mag-text siya para humingi ng larawan ni Zharlene nung siya’y baby at latest picture niya. Nais daw niyang akong bigyan ng isang silver necklace kung saan may pendant na pwedeng paglagyan ng picture ni yen bilang isang baby at bilang isang adult. Na kung suot ko na ito ay para ko na rin siyang laging kasama. Paano pa niya naiisip ang mga bagay na iyon sa dami ng kanyang ginagawa?

S i Manay Gina rin ang utak sa mga stratehiya sa pangangampanya para kay JDV kung bakit siya ang nagwawagi at panlulumo naman para sa talunang kalaban.

Now it’s Manay Gina’s turn. . Ang babaeng nasa likod ng tagumpay ni JDV ang ngayo’y mismong ihaharap at isasabak sa kongreso.

It’s being told also, that behind the success of Benjie Lim’s Magic Group of Companies is Manang Celia.

Si Manang Celia ang general manager at executive finance manager ng kumpanya na ngayo’y may napakaraming sangay hindi lamang dito sa Pangasinan kundi maging sa La Union at Ilocos Norte.

Tahimik lamang at subsob sa trabaho si Manang Celia. Hindi siya madalas na nakikita ngunit matunog ang kanyang pangalan sa mundo ng negosyo.

Isa ako sa mga suppliers ng Magic Group of Cos. sa loob ng halos walong taon. kami ang gumagawa ng kanilang mga streamers lalo na nung hindi pa uso ang mga tarps, printing ng tshirts at iba pang indoor at outdoor signs.

Hindi ko nakaharap kailanman si manang dahil may kanya-kanyang mga managers na nakatoka sa bawa’t departamento. Pero madalas kong marinig ang kanyang pangalan. “hinihintay lang ang aprubal ni manang”, “ pipirmahan pa po ni manang ang tseke”, “gusto ni manang ganito o ganoon”, “ Okey na raw kay manang” at manang dito at manang doon.

Habang abalang abala si BSL sa pulitika, hands-on at nakatutok naman si manang sa kanilang negosyo.

Now, it’s Manang Celia’s turn, ang babae sa likod ng tagumpay ng mga negosyo ni BSL ang siya mismong ihaharap at isasabak para sa kongreso.

Paano pamamahalaan ng isang Manay Gina at isang Manang Celia ang sarili nilang mga laban? Dalawang babae sa likod ng dalawang matagumpay na lalake. Manay versus Manang! Abangan!

Advertisements

Entry filed under: News.

Cojuangco torn between two presidential cousins Perspectives : Cojuangco, So chide aggie officials in a meeting

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 915,570 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

January 2010
S M T W T F S
« Dec   Feb »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,430 other followers


%d bloggers like this: