Ang Maso: Ikaw na nga…Ferdie Calimlim

December 27, 2009 at 6:04 pm Leave a comment


By Brando Cortez

MERRY CHRISTMAS po kay Andres Flores (Boy Sianang ng Rosales)!

Whether our blessings are big or small, we must share them.

And we should do this all year long, not only during Christmas.

O di ba ang saya pa din ng Pasko sa atin?

Kahit pa sabihin ng iba na maingay ang Pasko sa atin.

Kahit na madami pa ang nangangaroling na sintunado naman.

Kahit na trapik pag-sumasapit ang Pasko.

Kahit na puro kainan pagsapit ng Pasko…pero kahit mahirap lang tayo at naghihikahos sa buhay basta’t kapiling ang buong pamilya iba pa din ang Pasko sa atin.

Happy Holidays kay Eddie Patawaran ng Rosales!

Sa tuwing sasapit ang Pasko..madami sa atin ang sobra sa biyaya at sila ay kumpleto ang pagkain pag noche buena,

Ngunit alam mo ba sa likod ng ating mga kasiyahan?

Madami tayong mga kababayan ang dito sa Pangasinan ang salat sa yaman.

Madami ang nangangailangan.

Madami ang nag-iisa sa buhay.

Walang tirahan.

Walang makain.

Walang magulang.

Wala ng pamilya.

Walang hanapbuhay.

Ang kaunting biyaya na naitulong natin sa kanila ay sapat na para lumigaya ngayong Pasko.

Sana hindi lang ngayong Pasko ang pagtulong natin.

Ang pamahalaan at ang pribadong sector nawa ay magkaisa at gumawa ng paraan para maging makabuluhan ang susunod na Pasko sa 2010.

Magkaroon ng hanapbuhay ang gustong magtrabaho.

Magkaroon ng sapat na pagkain sa araw-araw.

Magkaroon ng disenteng bahay.

Magkaroon ng pagmamahalan ang bawat pamilya.

ANG HALALAN SA 2010 ay magiging divisive.

Tony Muya ng Rosales, Happy New Year!

Mahahati tayo sa iba’t-ibang kampo.

Sa gitna ng pagkakahati na ito… ang lahat sana ay makita na mas marami tayong mapagkakaisahan para hind imaging magulo ang halalan.

Let us focus on what we can unite on and from there work to pursue peaceful elections.

NOBODY, NOBODY, BUT YOU!

Atty. Jazon, ikaw na botante ay somebody na sa darating nahalalan.

Bakit?

Dahil ikaw ay susuyuin at liligawan ng mga kandidato para sila ang iyong piliin.

Ikaw na kandidato ay somebody na hindi mandaraya sa eleksiyon.

Ikaw ay kandidato dahil sa kagustuhan mong magsilbi sa bayan at hindi para sa personal na interes.

PALIT WARLORD. Mortz, alam mo ban a sa Maguindanao na ang kampo ni Buluan Mayor Ismael Mangudadatu ay kasama sa Ampatuan network of warlords.

Sa totoo lang, si Mangudadatu ay naghihinagpis ngayon dahil ang kanyang asawa ay isa sa mga biktima.

Pero ang nasa likod ng lahat ay ang awayan sa kung sino ang dapat na maghari sa Maguindanao.

Nabangit sa akin ni Kasamang Suk ng Revolutionary Proletarian Army – Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB) na minsan sa kasaysayan ng Buluan ay may mga sundalo ng AFP na namatay nang sila ay ambushin ng kampo ni Mangudatatu.

Ito sana ay maging babala sa mga mediamen na parating sumasama ngayon sa grupo ni Mangudadato.

Ang maaaring maging resulta ng halalan sa Maguindanao ay magkakaroon lang ng pagpapalit ng warlord…mula Ampatuan papuntang Mangudadato.

MAYOR FERDIE CALIMLIM, ikaw na nga… ang ka-tandem ni Gov. Amado T. Espino Jr. bilang kandidato para Vice Governor.

Ang pagiging accomplished mayor ng Mapandan, masipag at ang may kakayahang maki-teamwork ang magdadala sa inyo sa kapitolyo.

Kung napaganda ni Gov Espino ang Capitol, napaganda rin ni Mayor Calimlim ang Municipal Hall ng Mapandan.

Kung dumami ang turista sa Pangasinan sa, naging tanyag na rin ang Mapandan sa pagsusumikap ni Mayor Calimlim.

Kung nabawasan na ang high profile crimes sa Pangasinan, malaki na ang improvement ng peace and order sa Mapandan sa pamumuno ni Mayor Calimlim.

Kung natulungan ni Gov Espino ang mga magsasaka, malaki rin ang improvement ng pamumuhay ng mga magsasaka sa Mapandan sa kalinga ni Mayor Calimlim.

Ang tandem na Espino at Calimlim for governor at vice governor ang dadalhin ng Abono Party-list sa 2010.

Advertisements

Entry filed under: Opinion.

Manay Gina’s story is ‘I Survived’ Christmas presentation EDITORIAL

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 915,583 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

December 2009
S M T W T F S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,430 other followers


%d bloggers like this: