Science para sa sapat na pagkain

September 30, 2009 at 1:55 am Leave a comment


Photobucket Kasamang Roy, mahirap paniwalaan na ang isang ipinanganak sa uring mayaman na kumandidato bilang papalit sa magre-retire na congressman sa isang distrito sa Pangasinan ay magsisilbi sa uri ng mahihirap.

Alam mo ba na ayon sa latest survey dito sa ating bansa mga 17% na ang nagugutom nating mga kababayan dahil sa epekto ng kawalan ng hanapbuhay?

Ang isang kilo ng sibuyas ay nagkakahalaga ng isang daang piso (P100.00)!

Ang kalagayan ng ating mga kababayan ay kung hindi man malnourished ay undernourished at ang kalagayang ito ay pinatingkad ng kakulangan sa bigas noong isang taon.

Bakit hindi natin magawang mag-produce ng sapat na pagkain para sa lahat ng Pilipino?

Bakit kailangang may nagugutom?

Ang 17 percent ng 90 milyong Pilipino ay 15.3 million nagugutom araw-araw.

Ang 17 percent ay maliit pero ang malaman mong ang katumbas pala nito ay kababayan nating ngaugutom na nasa bilang 15.3 million ay seryosong usapan na iyan.

Bok Melvin, ano ang magagawa ng Agham o Science sa kalagayang ito?

Katatapos lang ng Region 1 Science Leadership Seminar na ginanap sa Rosales, Pangasinan.

Ayon sa ating kasaysayan, ang ating kakayahan para mag-produce ng pagkain para sa ating pangangailangan at kasiguruhan na may pagkain sa mga darating na araw ay sinira noong tayo ay mapasailalim sa kapangyarihan ng Kastila at ng Amerika.

Binago ng Kastila ang ating agricultural production pattern sa pamamagitan ng encomienda system at hacienda system (paalala: may Hacienda Luisita pa ng mga Aquino na nagsasamantala sa relasyong landlord-tenant).

Dahil dito naging monocrop agricultural system ang ating bansa at naka-target for export ang mga produckto.

Ipinagpatuloy ng Amerika ang ganitong systema at ginawa nilang export-oriented and import-dependent ang ating agrikultura.

Ang mga farm implements at inputs ay imported habang ang mga itinatanim ay para sa dayuhan kalakalan.

Noong matagal nang panahon, ang asukal, abaka, tabako at bigas (hindi na tayo nage-export ng bigas ngayon ha!) ay ilan lamang sa ine-export natin.

Nang tayo ay pumailalim sa World Trade Organization Agreement on Agriculture noong 1995, ang Pilipinas ay nagkaroon ng total agricultural trade deficit na $3.5 billion sa unang liman taon, kumpara sa $1.69 billion surplus noong nakalipas na panahon.

Tama, nag-export nga tayo ng saging, pinya at manga, pero kinailangan nating mag-import ng bigas at ng trigo para mapunan ang lokal na pangangailangan natin.

Ang patuloy na pagsandal natin sa imported na pagkain ay naglalarawan ng ating kawalan ng kakayahan upang pakainin ang ating mga kababayan ngayon at ang mga sumusunod na henerasyon.

Ito ay nangyayari dahil walang kontrol ang mga magsasaka sa lupa, binhi, pataba, at makinaryang pang-agrikultura.

Pareng Tony Guevarra, para makamit ang tinatawag na food security at self-sufficiency, ang kontrol at pagmamay-ari ng lupa ay dapat maibalik pa rin ba sa magsasaka?

Ang kawalan ng sapat na pagkain ngayon ay hindi mabibigyan ng pangmatagalang solusyon sa pamamagitan lamang ng science sa larangan ng bio-technology.

Ang mga pag-unlad sa science ay nagpapalawak lamang sa agwat ng mga may hawak ng teknolohiya ang ng mga magsasaka.

Para mapakain natin ang sambayanang Pilipino kailangang wakasan na ang relasyong landlord-tenant at usurero-magsasaka.

Para mapakain natin ang sambayanang Pilipino kailangang isabay natin ang isang pambansang programa para sa domestic food production na may kaakibat na research at subsidy support sa produksyon.

Atty Jazon, ang isang pambansang food security and self-sufficiency plan ay nangangahulugan ng tamang pagbubungkal ng lupa, mekanisasyon sa pagsasaka, agricultural research at extension at ang prioritization of food production for national consumption.

Hindi katulad ng gustong gawin ng Department of Agriculture na mamili ng mais sa mga magsasaka tapos ibebenta sa Vietnam sa luging halaga.

Importante din po ang pagbibigay ng agricultural assistance tulad ng farm credits, knowledge transfer, infrastructures, farm equipment, agricultural inputs at post harvest facilities.

Ang mga organisasyon ng mga magsasaka at mga kooperatiba ng magsasaka ay kailangang itayo at palakasin upang maging daluyan ng tulong upang i-angat ang kalagayan ng mga magsasaka.

Ang ABONO Party List po ay matagal na rin nagkikipagtulungan sa mga organisasyon ng mga magsasaka, kooperatiba ng magsasaka, agriulturists at iba pang expertong nagpapahalaga sa pag unlad ng agrikultura at pangingisda.

Advertisements

Entry filed under: Opinion.

Finally, a Pangasinan full-length movie Gawat and free movies for the oldies

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 904,711 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

September 2009
S M T W T F S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,428 other followers


%d bloggers like this: