‘I nid help’

September 17, 2009 at 1:34 am Leave a comment


susan2Being already with the circle of INA ( Inang naulila ng anak) Foundation headed by Manay Gina de Venecia, marami akong naririnig na mga kwento ng mga inang biktima rin ng krimen, mas malagim at mas masakit kung ihahalintulad sa sinapit ng aking anak.

Isang text message mula kay Manay Gina ang nagsasaad na ang grupo ng INA ay maglalabas ng isang public declaration of support para sa isang kapwa INA na si Thelma Chiong. Ang mga anak niyang babae, sina Marijoy at Jackie na may birthdays September 8 and 9 ay patuloy na nagiging biktima dahilan sa planong extradition ng rapist-killer na si Paco Larannaga sa Spain .

Panawagan ni Manay Gina: Let us help Thelma by calling further attention to this insult and injustice.

Kung ang napakaliit na request na iyon ay makakatulong hindi ako nagdalawang isip, agad akong nag-faxed ng aking signature bilang pagsuporta.

Labindalawang taon na rin ang nakalipas mula ng dinukot at walang awang ginahasa at pinatay ang dalawang magkapatid ng pitong kabataan na ang ilan ay mula pa sa maimpluwensyang pamilya sa Cebu.

Naaagnas na ang katawan ni Joy ng makita samantalang si Jackie ay hindi na natagpuan.

Paano kinaya ni Thelma Chiong ang sobrang sakit sa brutal na sinapit ng kanyang dalawang anak? Hindi ko ma-imagine. Hindi masusukat ang sakit at walang kapantay ang dusa na pinagdaanan niya.

Paano niya nakakayanan tuwing maaalala niya ang resulta ng otopsy test? Ang mga nakamit na sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ng kanyang anak, mga baleng buto, ang sinapit nitong brain hemorrhage mga patunay na dumanas ng matinding torture mula sa mga rapist? At ang walang katapusang paghahanap sa isa pang anak na ni hindi naipalibing?

Alam kong masakit pero kung gaano katindi hindi ko alam. Dahil kung ano ang sakit na nararamdaman ng anak mas doble ang tindi nito sa isang ina. Ni wala sa kalingkingan ang hirap na sinapit ni Zharlene sa sinapit ng mga anak ni Thelma. Pero mapalad pa rin si Thelma. Mula sa makapangyarihang pamilya ang kanilang kalaban pero mayroong matatapang at malakas ang loob na nagsalita kaya kahit papaano ay nakamit rin nito ang hustisya.

Ngunit ang kapiranggot na hustisyang nakamit ay mukhang mababawi pa. Sana’y maantig ang pamahalaan sa pagtangis ng pamilyang Chiong!

*****

I received another text message from an unknown number. The message goes like this: “I nid your help.”

I immediately replied “Sino ito? What kind of help?” And the texter answered back: “Test your special someone or friends. Text mo sila ng ‘I nid your help.’ Kung sino magreply, they truly care for you. Thanks for being one!”

I did not bother to ask kung sino siya, learning that he or she is not really in need of any help.

I kept a promise to myself na kung may lalapit para humingi ng tulong or any support as long as kaya ko I will try my best. But not financially because I am not capable of giving this kind of help.

Yes, nangako ako sa sarili ko na if ever may mangangailangan ng tulong o suporta o serbisyo ko, as long as makakabuti, I will not hesitate to do so.

Bagama’t dati ko na ring ginagawa ang pagtulong o pagbibigay ng libreng serbisyo bilang isang myembro ng Kiwanis Club of Dagupena, naisip ko na sa kahit sa maliit ngunit pansariling kakayanan ay nais kong mas makatulong sa aking kapwa ngayon.

Oopps! Mali kayo ng iniisip! Hindi ako tatakbo sa anumang posisyon. He! he! Naisip ko lamang ito dahilan na rin sa mga pinagdadaanan namin sa ngayon. Alam ko ang feeling ng isang pinagkakaitan ng tulong lalo na kung kaya naman sana itong ibigay.

Katulad na lang ng hindi pa pagkakamit ng hustisya ni Zharlene, iyon ay dahil sa karamutan ng iba. Ito na ang ibig sabihin ng mga pulis sa kanilang sinasabi “hindi namin kakayanin ito ng mag-isa, kailangan namin ang suporta ng komunidad.” Kahit pa tukoy na o alam na nila ang may sala kung walang tutulong upang tumestigo walang magagawa ang pulis.

Kung makakatulong o makapag-bibigay ng anumang uri ng suporta kaninuman, I think I can at least repay back yong mga taong buong pusong tumulong at sumuporta sa amin noong panahong kailangan namin ito.

Entry filed under: Opinion.

San Carlos community college alive and kicking – Mayor President Arroyo visits Rosales grotto on its 22nd year

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,343 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

September 2009
S M T W T F S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: