A place to heal

September 3, 2009 at 8:19 am 1 comment


susan2A place called INA (Inang Naulila sa Anak) healing center will soon be built in Dagupan City. Manay Gina de Venecia said it will be a place of therapy, where mothers will be with people who understand their pain, and experts who will help them to recover from the trauma of losing their beloved children.

Mula ng pinatay ang aking anak na si Zharlene nuong July 2, noong Sabado ko lamang muli nakita ni Manay Gina. Maingay noon sa Dagupan City astrodome dahil sa dami ng tao na dumagsa para magpagamot sa libreng medical misyon ng MDTODA.

Hinila ako ni Manay Gina sa isang sulok na medyo tahimik upang kami ay magkarinigan at doon automatic ang consoling and counseling na ginawa niya. Nahiya naman ako sa exclusive time na ibinigay nya para sa akin samantalang ang daming tao doon na dapat sana ay kinakamayan niya.

I felt the sincerity in her, teary eyed na siya but still with a firm voice tuloy tuloy ang kanyang pagka-counsel. Sa isip ko, oo nga tama lahat ang kanyang sinasabi, kami lamang na pare-parehong mga biktima ng mapait na karanasan sa biglaang pagkaulila sa anak, lalo na kung ito ay sa isang malagim na paraan ang maaring makakaunawa sa isa’t isa. Aniya, maaaring dinadamayan ka ng iyong mga kaibigan pero they don’t know what you are really going through.

Maraming oras na gusto kong ilabas ang sobrang sakit na nararamdaman ko sa dibdib pero hindi ko alam kong kanino dapat sabihin. Nakakahiya na rin kasi ako at baka nabibingi na rin sila sa paulit ulit na pagsasabi ko ng bigat na dinadala ko. Baka nabibigatan na rin sila.Baka negative vibes na ito para sa kanila. So the ultimate remedy is just to keep the pain to myself and cry alone.

Sa sobrang concern yata ni Manay Gina naisip nito ang pagtatayo ng INA Healing Center dito sa Dagupan upang may mapuntahan ang mga nanay para sa libreng counseling. Malaking bagay ito kung saan may makakausap sila at maiintindihan ang kanilang lungkot at kung bakit nangyari iyon sa kanila. Napakamahal nga naman kung magpapa-konsulta sa isang psychiatrist o sa isang psychologist. Ang kailangan lamang umano ay mag-train ng mga grief mentors.

Ito ang magiging ikalawang Ina Healing Center sa bansa at maari umanong magsilbi ito para sa buong Region 1.

Ang trahedyang naging sanhi ng pagkamatay ng kanyang bunsong anak na babae na si KC noong Dec. 16, 2004 ang nagbigay kay Manay Gina ng insirasyon upang itayo ang kauna-unahang INA Healing Center. Ang misyon nito ay upang mabigyan ng psycho-social support ang mga nangungulilang nanay na nawalan ng anak upang sila ay makapag-move on.

Ang inagurasyon ng unang INA healing Center ay ginanap nuong December 26, 2006, dalawang taon matapos ang malagim na pagkamatay ni KC. Ito ay sa DSWD Compound, Batasan Hills, Quezon City.

Sa mga nanay na patuloy pa ring nagluluksa at nasasaktan sa biglaang pagkawala ng kanilang mahal na anak, maaari nyo akong i-email sa yadao_ads@yahoo.com.

Entry filed under: Opinion.

Pangasinan inks sisterhood ties with China city Maisan sa barangay winners bared

1 Comment Add your own

  • 1. Divine K. Ayungo  |  September 5, 2015 at 10:04 am

    Magandang araw po! Paano ko po macocontact ang INA Foundation?
    Maraming salamat!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,342 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

September 2009
S M T W T F S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: