Curfew ng motor?

August 27, 2009 at 8:34 am Leave a comment


susan2Isang proposed provincial ordinance ang ini-akda ni BM Alfonso Bince na layong magtakda ng curfew hours sa Pangasinan para sa mga motorcycle na may dalawang sakay. Ito ang kaniyang aksyon at inaakala niyang solusyon sa nakaka-alarmang pagtaas ng mga insidente ng krimen na karamihan ay kinasasangkutan ng mga motorcycle tandem riders.

Marami ang tumututol. May mga violent reactions. Kabilang ang Motorcycle Philippines Federation sa mga nagbigay ng negatibong komento.Sinabi ng kanilang Director na si Atoy Santa Cruz na isang uri ng pagpatay sa lokal na turismo ang hakbang na ito. Magra-rally umano sila sa harapan ng kapitolyo sa nakatakdang araw ng public hearing upang ipahayag ang kanilang pagtutol.sa naturang proposal.

Siyanga pala, dumating ang grupo ng Motorcycle Philippines Federation sa Mangaldan upang makilahok sa launching ng mobile registration of motor vehicles at renewal ng driver’s licenses na proyekto ni LTO Chief Arturo Lomibao. Ginanap ito sa harap mismo ng Mangaldan PNP station noong Agosto 22. Isinabay ng federation ang pagbibigay ng seminar on safety riding at pag-gamit ng motor at helmet. Sinabi ni Santa Cruz na ‘Education for safety’ ng mga motorcycle riders ang pangunahing misyon ng kanilang grupo.

Back sa ating isyu, nakaka-alarma na nga ang mga motorcycle riding in tandem related crimes. Ito ang pinaka-versatile mode of transportasyon na ginagamit sa krimen ngayon dahil mas convenient at mas mabilis itong getaway vehicle sa mga matrapik na kalsada sa mga lungsod. Ang driver ang dumidiskarte sa pagtakas samantalang ang ka-tandem ang gumagawa mismo ng krimen (nagnanakaw o pumapatay).

Walang pinipiling biktima, ay hindi pala, pinipili nilang biktima ay mga walang kalaban- laban at kawawang mga kababaihan. Sa lungsod ng Dagupan, sinabi ni P/Supt Sonny Versoza 99% ng mga biktima ay mga babae.

Ako mismo, ina ng biktima ng mga bwa&$#?@nang riding in tandem ay hindi sangayon sa panukala ni BM Bince. Hindi naman kasi sa ganoong oras nag-i-strike ang mga iyon. Wala naman kasi silang pinipiling oras. Kung may curfew sa ganoong oras mag-a-adjust lang sila kung saka-sakali.

Maraming negative at violent reactions sa proposed ordinance ni Bince. Ngunit ang mahalaga ay may pagkilos ang provincial board in aid of legislation upang mabawasan kung hindi man totally matapos ang mga insidenteng sangkot ang mga riding in tandem.

Para sa aming mga naging biktima isa nang pampalubag loob ito, ang makitang may pagkilos o aksyon ang mga kinauukulan kaysa naman sa wala.. Anyway, may public hearing naman na gagawin sa Agosto 28. Doon maaaring ipahayag ng mga ‘magagaling’ ang kanilang pagtutol at mga reaksyon. Ngunit sana makapagbigay sila ng suhestiyon na realistic para sa mga otoridad.

In passing, nabanggit ko kay BM Bince na continuous and not random checkpoints ang kailangan. Hindi na baleng mag-mukhang may gyera sa lugar. Ang importante ligtas ang mga tao. Pareho kami ng pananaw ni Santa Cruz ng Motorcycle Philippines federation,suggestion niya, police visibility at check points ang kailangan and not curfew hours.

Entry filed under: Opinion.

Relief operation held in Botolan Chiz to gov’t: Do not compromise OFWs’ welfare

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,343 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: