Ang buwan ng Hulyo

August 6, 2009 at 1:28 am Leave a comment


susan2Tapos na ang buwan ng Hulyo, ang buwan na kailanman ay hindi ko malilimutan. Sa buwang ito biglaan at wala sa panahon na iniwan kami ni Zharlene, ang aking anak na walang awang binaril ng mga walang kunsensiyang tao.

Sa nagdaang buwan, maraming bagay akong nalaman at natutunan. Marami rin ang nangyari na sa palagay ko ay dapat ituwid ng otoridad at ng mga kinauukulan.

Isa sa mahirap malimutan ay ang agarang pagdadala kay Yen sa punerarya. Ayon kay Vice Mayor Belen Fernandez pinag-aaralan nila ngayon ni Councilor Farah Decano kung paano ang tamang gawin in aid of legislation upang matigil na ang pag-pasok sa eksena ng mga punerarya sa mga lugar na may insidente ng krimen sa lungsod ng Dagupan.. Lalo na yong mga puneraryang hindi nakabase sa lungsod.

Isa rin sa suhestiyon na binigyang pansin ni Vice Mayor Belen ay ang pagkakaroon ng sticker sa bawat kabahayan kung saan nakalagay ang mga emergency numbers gaya ng telephone numbers ng police.

Noong nangyari ang pamamaril kay Zharlene, nawalan ng silbi ang cellphones at telepono ng mga tao dahilan sa hindi nila malaman kung anong number makokontak ang mga pulis.

Kung maisasakatuparan ang mga suhestiyon, maaaring makatulong ito kahit konti upang hindi na maulit at maranasan ng iba ang masaklap na kapalaran ng aking anak o mga kahalintulad na insidente.

Isa rin sa mga dapat pag-aralan ng mga otoridad kung paano ang tamang paghahatid ng masamang balita sa mga kaanak ng biktima.

Hindi ko malimutan ang oras na iyon ng gisingin kami ng pulis upang ipaalam sa amin ang nangyari. Sobrang kaba ko at ang intindi ko sa manner ng pagtatanong ng pulis ay mukhang may nagawang krimen si Zharlene at hinahabol siya ng mga pulis.

Hindi ko pa nabubuksan ang aming gate ng tanungin ako ng mukhang galit at may hawak na long firearm na mamang pulis kung may anak ako na nagtatrabaho sa medical centrum. Ang sagot ko “meron at bakit?”

Walang kagatol-gatol at walang emosyon nitong sinabi: “Sumama kayo sa amin at kilalanin ninyo yung binaril na babae doon.”

Hysterical at halos mag-collapse ako sa pagkabigla. Pero ang sabi ni mamang pulis “hindi teka muna, e-identify nyo lang! Pero sabi nila dito daw nakatira!” dagdag pa nito.

Mabuti na lamang at mayroong gising ng kapitbahay na siyang umalalay sa akin sa nakaka-shock na balita.

Ako mismo, hindi ko rin alam ang tamang paraan o kung paano sabihin ang balita sa isang namatayan. Ngunit sa mga otoridad na araw-araw halos ganito ang kanilang ginagawa, marapat lang siguro na magsanay din sila at ng matuto mula sa mga eksperto. Sana naman may compassion o may konting concern din sila sa damdamin ng tao.

Marahil dahil na rin sa araw araw na mga krimen o insidente ng karahasan na kanilang nirerespondihan, naging tila bato na rin ang kanilang damdamin.

Pero taliwas ito sa madalas nating naririnig na PNP transformation program. Di ba ang pulis ay maka-Diyos at maka-tao? At citizen-friendly pulis pa?

Entry filed under: Opinion.

Editorial cartoon Agabas leads groundbreaking for schoolbuilding

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,734 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: