Empowering trafficked women

April 3, 2009 at 9:45 am Leave a comment


SY filesHow should we empower victims of trafficking to become survivors? Give them livelihood programs; give them counseling; give them shelter; give them free legal service; give them or use human rights approach; give them everything they deserve to receive as victims.

Most trafficking victims are children and women from poor families. Oh! Not only poor but very poor, hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya’t mas madaling maging biktima.

After the seminar and training on human trafficking held at the Leisure Coast Resort, the Dagupan City PNP elements headed by Inspector Marites Aradanas eagerly operated on its campaign against anti-flesh ordinance or human trafficking, this time armed with more understanding on the trafficking law.

In Dagupan, the most common problem is prostitution. Sa batas, biktima ang babae sa prostitusyon. kaya kailangan silang irescue. Nakarescue sina Madam Marites ng labing isang kababaihan na nasa lansangan (yaong mga tila ibinibenta na parang balot at penoy?).

Mukha silang mga menor de edad na kasalukuyan pa lamang nahuhubog ang mga katawan, pero tanungin mo, ilang taon ka na? Ang bibilis ng sagot. . .eighteen o nineteen o twenty . Pero mga mukhang kinse at disi-sais at disi-siete.

Okey, na-rescue na sila. Kinausap at mukhang kina-counsel ang mga ito ni Kristine Liwanag, (kasama sa rescue operation) ang Social Walfare Officer I ng CSWD.

Gusto nyong mag-aral magmanicure? O kaya’y mag-gupit ng buhok? tanong sa kanila.

AYAW!! Hindi kami mabubuhay noon! Mabilis na sagot ng ilan sa kanila. Syanga pala kasama rin ako sa ginawang rescue operation. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang sumagot kasi naka-talungko at tinakpan nila ang mga mukha nila ng kanilang buhok. Ang iba panyo at labacara ang ginamit sa pagtatago ng mukha. Otomatic take-cover sila ng mukha kahit walang video at kamera.

Kailangan ang livelihood program para sa kanila bilang alternative para mabuhay.

Pero hindi pa rin tukoy ng human trafficking advocates kung anong klase ng trabaho ang ibibigay sa kanila, lalo na sa mga babaeng nasanay na sa easy job o easy money.

Tiyak na ayaw rin nila ng candle making, flower arrangement, dressmaking, magtinda ng tocino at longanisa o maging sales lady na mas mababa pa sa minimum ang sahod. Nasanay na sila sa walang gaanong effort na trabaho malaki ang kita at kayang tustusan ang luho at bisyo.

Ipinasikat pa nga ng isa ang kanyang cellfone na mas maganda kesa celfone ng pulis.

Kung ordinaryong sales lady nga lang naman siya at tumutulong bumuhay ng kapamilya hindi sya makakabili ng ganong klaseng cellfone.(hindi ko rin alam kung nong unit iyon kasi masyadong hi-tech).

Since biktima lang sila, hindi rin pwede ikulong. Kaya ang procedure, iti-turn-over sila sa DSWD na siya namang magbibigay ng counseling, ng kaukulang shelter at iba pa. Pero, ang masakit na katotohanan wala na ngang gaanong kapasidad ang DSWD na ibigay ang dapat na ibigay, ayaw din naman ng mga biktima at hindi sila interesadong mareform.

Kaya’t tiyak parang gulong ang cycle magiging paulit-ulit lang ang operation rescue at pagrelease sa kanila., rescue – release, rescue – release and so on and so forth.

Masasayang na lamang ba lahat ng effort, time and money ng mga rescue teams? Siguro.

HINDI kung magpopokus sa paghuli sa mga bugaw at kostumers na silang tunay na nakikinabang at nag-eenjoy sa mga biktimang Magdalena.

At kung may maipasasarang malalaking establishments na protektado umano ng maimpluwensyang mga tao na libreng-libreng nagpapalabas ng mga nakahubo’t hubad na mga babae. Ak kung may makakasuhan at maisasarang mga establishments kung saan nakakabili ng panandaliang aliw.

Madam Marites, sampolan mo kaya sila?.

Entry filed under: Opinion.

Isang bangon, isang higa Nani Braganza’s side-kick Panabang

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,343 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

April 2009
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: