Agri-Expo 09 at pulitikong generals

March 27, 2009 at 11:13 am Leave a comment


PhotobucketThe promotion for agricultural development of the province of Pangasinan is once again in the limelight with the second year of the FARMERS AGRI EXPO 2009.

Toto Mortz, basahin mo ito. Ang buhay ng mga lalaki ay may pitong yugto daw.

Ayon sa kuwento, meron daw seven stages sa buhay ng mga lalaki. Ang bawat yugto ng buhay ay pagalingan o tunggalian sa pamamagitan ng pataasan o paramihan.

Pareng Doy, ang unang yugto daw ay from 3 to 8 years old kung sa ang paligsahan ay padamihan ng laruan ang mga bata.

Pangalawang yugto ay yung pagdating mo ng edad na 9 hanggang 18 kung saan ang tunggalian ay pataasan ng grade sa eskwelahan.

Kapitan Berting, ang pangatlong yugto daw ay yung pagsapit mo sa edad na 19 hanggang 25 kung saan ang labanan ay padamihan ng syota.
Pang apat na yugto ay yung pagsapit ng edad na 26 hanggang 35 kung saan ang kumpetisyon ay pagandahan ng asawa.

Bos Rosendo, ang pang limang yugto daw ay yung pagdating mo sa edad na 36 hanggang 45 kung saan ang labanan ay padamihan ng cell phone.
Pang anim na yugto ay yung pagsampa mo sa edad na 46 hanggang 55 kung saan ang paligsahan ay padamihan ng kabit.

Pero Konsehal Tony, itong pang pitong yugto ang malungkot kung saan pagdating mo sa edad na 56 and over ang kumpetisyon ay padamihan ng sakit. He he he.

Ang susunod na FARMERS AGRI EXPO 2009 na gaganapin sa Sison, Pangasinan ay may iba’t-bang yugto din.

Ang unang yugto ay ang official Opening Program kung saan ipapaala ang konsepto kung bakit itinayo ang FARMERS AGRI EXPO. Ito ay katatangian ng pagpapakita ng mga makabagong teknolohiya sa pagpaparami ng produksyon at pagpapataas ng uri ng ani sa agrikultura. Dito makikita ang pakikiisa ng mga stakeholders sa pagpapalago ng agrikultura sa Pangasinan.

Ang ikalawang yugto ay tinatawag na Corn Day kung saan ihahayag ang mga teknolohiya at pamamaraan kung paano mapaparami ang ani sa mais.

Ang ikatlong yugto ay binansagan na Rice Day kung saan ipapakita din ang mga inputs na makakatulong sa pgakamit natin ng rice self sufficiency.

Ang ika-apat na yugto ay High Value Commercial Crops Day kung saan nakatakdang magkaroong ng presentation ng mga gulay na mataas ang halaga sa pamilihan.

Ang ika-limang yugto ay Association of Fertilizer Dealers and Pesticide Distributors, Dealers and Outlets Day kung saan yung mga negosyante at negosyo sa agribusiness ay itatampok.

Ang ika-anim na yugto ay ang Livestock and Poultry day kung saan ang pag-uusapan at makikita ay ang pag-aalaga at kung paano kikita sa hayop.

Ang ika-pitong yugto naman ay Fishery, Women, Youth, Rural Improvement Clubs and PAFC Day kung saan tatalakayin ang mahalagang papel ng iba’t-ibang sektor ng lipunan sa pagpapaunlad ng agrikultura sa Pangasinan.

SA PULITIKA MILITAR. Malapit na naman ang graduation sa PMA at dadalo si PGMA.

Hindi maikakaila na nagkakaroon ng “generalization” sa Pangasinan sa larangan ng pulitika sa darating na 2010.

Maraming generals ang nagpaparamdam na tatakbo sa susunod na halalan.

Kung nagkaroon tayo ng Gen. Ramos bilang presidente at sa Senado ay may Gen. Lacson, Gen. Biazon at sa Provincial Capitol ng Pangasinan ay may Gen. Amado T. Espino, Jr., meron pang Gen. Velasco sa Sta. Barbara, mukhang maraming generals ang gustong sumunod sa kanilang narating.
Sa Lingayen, naririnig ang pangalan ni Gen. Bataoil. Narinig mo na ba yan Mayor Nasjo?.

Sa Laoac, nagpapalipad hangin si Gen. Alarcio. Mayor Tony trabaho muna bago pulitka.

Sa Villasis, nauulinigan na ang pangalan ni Gen. Rafanan. Mayor Monching anong abiso ni Gov.?

Sa 6th District nararamdaman na ang presensiya ni Gen. Esperon. Vice Governor Marlyn, sana huwag kang ma-rattle para hindi masira ang iyong pagtatasa at pagkilos.

Sa aking pagkakaalam ang PMA o Philippine Military Academy ay natatanging eskwelahan para sa mga taong gustong maging kawal.

Pero iba na yata ang kinahihinatnan ng mga nagtapos sa PMA. Sa aking pagkakaalam ang Kilusang Kaliwa ang may Pulitiko-Military Academy (PMA).

Kung sabagay, marami din na nag-graduate sa Pulitiko Miltary Academy ng Kaliwa na nasa posisyon na ngayon.

Mga General din naman sina Aguinaldo na naging presidente ng Pilipinas at iba pang General na laman ng ating kasaysayan.

Advertisements

Entry filed under: Opinion.

Bahay pag-asa Pangasinan is Ilocos’ top tourist destination

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 903,194 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,428 other followers


%d bloggers like this: