Tirador para sa pulis?

March 2, 2009 at 11:39 am Leave a comment


Pumulot ng stick o bato. Ito ang payo ni Archbishop Oscar Cruz sa mga estudyante, lalo na ang mga kababaihan na matuto silang ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa sino mang maaaring manakit o umabuso sa kanila.

SY filesSa mga hindi na maiiwasang pagkakataon, aniya kailangan matuto silang pumulot ng ano mang bagay katulad ng stick o bato na maaaring pamukpok sa sino mang aatake sa kanila at mananamantala sa kanilang kahinaan.

Dahilan na rin sa maraming insidenteng nagaganap na karahasan at pang-aabuso kung saan karamihan sa mga biktima ay mga bata at babae, pinakiusapan ng arsobispo ang mga kapulisan ng Dagupan City Police Station (DCPS) na turuan at sanayin ang mga babaeng esrtudyante ng self defense.

Sa ngayon on-going ang self-defense training program para sa mga junior at senior students ng St. John’s Cahedral School na nakabase sa Dagupan City.

Sa husay at galing ng mga karate instructors na sina Police Inspector Alex Desamito at PO3 Christian Carvajal, tiyak hindi na aasa pa ang mga dalagita sa kapirasong stick o bato bilang proteksyon o pananggalang, kwidaw kayo! haikkkk!! Yaaahhh!!!

Hopefully, lahat sana ng mga kababaihan ay maturuan ng techniques o self defense ng sa gayon kahit papaano ay hindi basta- basta o mag-aatubili muna ang mga lalaki na gumawa ng karahasan laban sa mga babae.

Ay siyanga pala, sinabi rin ni kuya SPO2 Rod Vinluan pati ang mga kabataang may kapansanang nasa ilalim ng programang breaking barrier for the Youths (BBY) ay tinuturuan din ng Dagupan pulis ng self defense. Ewan kung paano nilang ginagawa ito, but they are doing it. Kasabay na rin nito ay ang pagle-lecture sa kanila ng kanilang mga karapatan bilang mga bata at babae. Sana.. sana. . it helps! At least kahit papaano.

Sa mga policewomen naman, kung napapansin ninyo bihira ang may baril. Ito ay sa kadahilanang kulang daw ng supply ng baril sa lahat halos ng mga police stations lalo na sa mga mula sa mga mahihirap na munisipalidad.

Sa programang Kababaihan in Aksyon sa Akyon Radyo, naibulalas ng ilang policewomen ang kanilang pagkabahala dahil nga sa wala silang mga isyung baril. Lalo na yaong nasa malapit sa mga kabundukan o sa lugar kung saan may mga sightings ng NPA. Paano daw nila ipagtatanggol ang kanilang sarili kung may aatake o mangri-raid sa kanilang station, o kaya’y sa mga emergency cases na kailangan nilang rumisponde bilang mga law enforcers. Siguro daw dapat din silang magsanay at maging expert sa pag-gamit ng tirador.

Funny but may sense di ba? Kung ang mga sibilyan tinuturuan at sinasanay na ipagtanggol ang kanilang mga sarili, how much more na dapat itong mga law enforcers na supposedly ay mga protector natin?

Kung wala silang baril, aba’y i-train na lang silang gumamit ng arnis, tsako at para mas pinoy ang approach.

Tirador na nga lang! Hindi naman na siguro magastos ito. Mayroong proficiency firing program ang PNP at kinakailangan lahat sila ay sumailalim dito. Sa pamamagitan nito hindi lamang ang kanilang kaalaman sa tamang paghawak at pagpapaputok ng baril ang hindi kakalawangin, kundi maging ng kanilang baril ay hindi na rin kakalawangin.

Ang masakit dito sagot ng pulis ang gastos sa bala ng naturang pagsasanay. Sabi ng iba hindi bale na lang daw. So what kung tagurian silang boloman.( Ito ang tawag sa mga hindi tumatama sa target ang kanilang pagputok.).
Magkano lang naman daw ang kanilang sahod para iubos sa naturang pagsasanay. When in fact, kailangan nila talaga gawin ito.

Siguro kailangan mag-effort din ang mga chiefs-of-police para ma-enhance din ang kakayanan ng kanilang mga tauhan. May mga nagrereklamong pulis na pag nakuha na ng kanilang hepe ang budget para sa operational expenses ng police station, kinabukasan lang wala na. Aysus! kaya naman pala pulis patola ang tawag sa kanila, patola-n ba naman ng ibang hepe pati ang maliit na budget nila.

Ay! back sa tirador, sabi ng isang PNP official, mas okey at mas safe daw sila kung wala silang baril at hindi raw iri-raid ng mga NPA ang kanilang station, mga armas lang naman daw ang interest nila. Ganoon? So gawa na ngarud ng tirador, at iyon ang pang-tira sa mga tirador!

Entry filed under: Opinion.

P270 million The atheist bus campaign

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 973,691 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: