P270 million

March 2, 2009 at 11:34 am Leave a comment


Ang LOTTO 6/49 JACKPOT sa ngayong araw na isinusulat ko ito ay 272 Million Pesos na daw at sa halagang P20 taya maaari mo nang mapanalunan ang nasabing halaga.

ang masoAng milyon-milyon na mapapanalunan ay pinipilahan na ngayong kahit saan mang lotto outlet sa Pangasinan at sa buong Pilipinas. Lahat ng nasa pila ay nagnanais na sila ang makakuha ng jackpot.

Ang Lotto 6/49 draw ay ang pagpili ng random na kumbinasyon ng 6 numbers mula number 1 hanggang number 49.

Ang mga Pilipino ay may kanya-kanyang diskarte sa pagpili ng kursunadang kumbinasyon ng mga numero. Ang isang paborito ay pagsama-samahin ang mga birthday ng mga minamahal sa buhay.

Ang iba naman ay telephone number, horoscope, driver’s license, plate number at address ng bahay at kung anu-ano pa. Ang ilan naman ay mula sa kanilang mga napanaginipan o mga naunsiyo na ginagamit sa jueteng.

Marami ang naghihinala na ang lotto ay may daya, pero pag kasing laki na ng 272 million pesos na ang jackpot pati itong mga may duda ay tumataya na rin.. Marami din ang naghihinala na may mga winner na hindi naman talaga tumaya pero naiisingit bilang mga nanalo.

Kaya huwag magtaka kung biglang marami kayong mananalo sa Jackpot na ito.

Sa mga statisticians ano ba ang chance mo para manalo sa pag-asa na walang dayaan na nangyayari?

Ayon sa permutation and combination (subject yan sa math) mula sa 49 numbers na pagpipilian mo ng 6 na numero sa SuperLotto 6/49, mayroong 13,983,816. Ibig sabihin nito ay ang taya mong six-digit ng kumbinasyon ay kalaban ng 13,983,815 kumbinasyon. Ang chance ng panalo mo ay one is to 13,983,816.

Ang karamihan ay dinadaan sa dasal ang panalo. Ang iba naman ay pinagsasama-sama ang kanilang pondo bilang isang korporasyon at magkakaisa sa ilang set ng mga numero at kung sakaling manalo ay hati hati sila sa Jackpot.

Ang iba naman ay sumusugal na may kasamang dasal. Pero sa dinami-dami ng sumusugal at nagdadasal na sila ang manalo sa jackpot, hindi kaya matorete ang Diyos kung sino ang kanyang bibigyan ng pagkakataon na manalo?

Isa lang o ilan lang ang mananalo ng jackpot at pag may nanalo na ano na ang susunod na aasahan ng mga Pilipino para makaahon sa kahirapan?

Entry filed under: Opinion.

Enrile promises Senate support for BHWs Tirador para sa pulis?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 972,632 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: