CORTEZ: If history repeats itself, Corona will be acquitted

February 16, 2012 at 5:29 am Leave a comment



SECOND TIME! Congratulations po pala sa second win ng Urdaneta bilang Cleanest, Greenest and Safest City sa Region 1…Dalawa na iyan.

Tama si MECO Chairman Amadeo Perez na hindi siya nagkamali na kayo po Mayor Bobom ang i-offer na mayor ng Urdaneta para manguna sa pagpapatuloy ng pag-unld ng Urdaneta.

Hindi nasasaktan si MECO Chairman Perez kapag sinasabi sa kanya na mukhang mas magaling si Mayor Bobom sa kanya.
Mas ipinagmamalaki at ikinatutuwa ni MECO Chairman Perez na marinig na may ‘improvement of the race’ kumbaga.
Malayo pa ang mararating ni Mayor Bobom Perez…at nakikinita ko na sa hinaharap na siya ay mauupo din sa Capitol bilang Governor ng Pangasinan. Governor Bobom Perez…Magandang pakingan ah! Anong year? Hindi ko pa alam. Hehehe

CJ ACQUITTED! Gaya gaya lang sa Amerika ang nangyayaring impeachment sa Chief Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas. Katulad ng Amerika ang House of Representatives ang may saklaw sa pag-impeach sa Chief Justice na isinagawa nila noong taong 1804. Dito sa Pilipinas naman ngayong 2012.

BOK NANI BRAGANZA, alam niyo ba na walong (8) Articles of Impeachment din ang inilatag nila kay CJ Chase? Pero acquitted si CJ Chase sa lahat ng charges na isinampa sa kanya noong taong 1805 kung saan lumutang ang at naitatag ang konsepto ng Right of the Judiciary to Independent Opinion?

Opo natalo ang mga nag-impeach kay CJ Chase at nagpatuloy siyang Chief Justice hanggang sa kanyang kamatayan.

Ang panalo ni CJ Chase ay nagpalakas sa konsepto ng judicial independence, napanatili ang konsepto ng separation of powers, at naipakita kung gaano ka-effective ang sistema ng checks and balances.

Ang pagkatalo ng House of Representatives sa impeachment court ay nagpahina ng loob ng mga congressmen para gamitin ang impeachment bilang pampulitikang armas laban sa justices ng Korte Suprema.

Ang pagkatalo ng House of Representatives sa impeachment court ay nagtalaga ng tamang interpretasyon sa konsepto ng tinatawag na high crimes at impeachable offenses kontra sa minor crimes katulad ng perjury.
O…kayo diyan, maulit kaya ang nangyari sa Amerika dito sa Pilipinas?
Mapawalang sala kaya si Chief Justice Corona ng Pilipinas ngayong 2012 katulad ng nangyari kay Chief Justice Chase ng Amerika noong 1805?
PUREZA! Alam niyo ban a ang ibig sabihin ng pureza ay “purity” or “chastity”?Alam niyo rin ba na ang ibang meaning ng pureza ya “poor” as in mahirap sa lingo ng mga kabataan ngayon?
Councilor Rio Esteves, pero, may isang panahon nang ako ay nasa Negros Occidental na ang meaning ng pureza ay “sugar content ng sugar cane” at itong pureza ang nagiging batayan ng halaga ng sugar cane.
Pureza din po ba ang gamit sa Hacienda Luisita at dito sa Pangasinan bilang batayan ng halaga ng sugar cane?

VISA BUSINESS! Ang negosyong Visa ng Amerika sa Pilipinas ay malaki. Ang Tourist Visa application ay may charge na 140 dollars.

Noong 2011 ay 52000 ang nag-apply para sa visa sa Amerika.
Multiply mo 52,000 applications times 140 dollars time 44 pesos is to one dollar equals 320,320,000 pesos.
Simpleng negosyo ng mga amerikano, di ba?
GOVERNOR’S SON BECOMES CONGRESSMAN! Opo, natalo ang Liberal Party sa election para sa naiwan na posisyon ni Zambales, 2nd District Rep. Diaz. Ang nanalo ay si Omar Ebdane na anak ni Gov. Hermogenes Ebdane Jr. na tumakbo sa ilalim ng Partido ng Manggagawa at Magsasaka.

Hindi lahat ng LP ay mananalo sa eleksiyon kahit na ito ang partido ni PNoy.

Ito ay isang special election na hindi nagawan ng paraan ng buong Liberal Party para manalo ang kanilang kandidato.

Mukhang si Gloria, si Corona at si Grace na lang ang inatupag ng LP at hindi tinulungan ang kanilang kandidato at partido sa Zambales.

Ang isang aral din dito ay kung kayang magawan ng paraan ng isang governor na maging isang congressman ang kanyang anak sa Zambales ay puede rin mangayri sa ibang probinsiya katulad ng Pangasinan.

Alam niyo po ba na si Rep. Neil Tupaz ay anak ng dating governor ng Iloilo.

Siyempre si former Rep. Victor ay anak ni former Governor Aguedo.

Kayo po Mayor Bobom Perez ng Urdaneta City, may anak ba ng Governor na magiging congressman sa Pangasinan?

GOVERNOR-VICE GOVERNOR! Ang election sa provincial level ay karaniwang nagreresulta na kung sino ang nanalong Governor ay nananalo din iyong ka-ticket niyang vice governor.

Example si Governor Amado Espino Jr. at Vice Governor Marlyn Agabas noong 2007 or iyong Si Governor Amado Espino at Vice Governor Jose Ferdinand Calimlim Jr.

Mangyari kaya na iboto ng taga Pangasinan ang Governor ng isang ticket at vice governor ng kalabang ticket sa 2013

Entry filed under: News. Tags: .

Q and A Spratly Islands’ conundrum:” We should play the Philippines Card” – De Venecia EDITORIAL: Why kill Kandaroma?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 177,507 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Watch New...?

Watch videos at Vodpod and other videos from this collection.

Day Watch

February 2012
S M T W T F S
« Jan   Mar »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
26272829  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 20 other followers


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.