CORTEZ: Ang gamit ng pera

November 19, 2011 at 9:51 pm 1 comment



Pera ang dahilan ng mga patayang naganap kamakailan lang sa pagitan ng mgakakapatid na Revilla (Bautista?)

Malapit na ang Pasko at pera ng nasaisip ng mga Pilipino para maipagdiwang ito.

HAPPY BIRTH DAY (11.11.11) muna kay Vice Governor Ferdinand Calimlim Jr.

Bok Nani Braganza, ang dami pala ng materials recovery facilities diyan sa Alaminos City, at kumusta na pala iyong medical center na ipapatayo ng Alaminos?

Pabayaan niyo po akong ikuwento ang gamit ng pera.

Sa kasalukuyang estado ng pananalapi ng sangkatauhan, narating ng pera ang pinakamataas na pag-unlad, kapwa sa kanyang gamit at anyo, sa ilalim ng kapitalistang sistema.

Kaya malimit na nailalarawan ang kapitalismo bilang isang ekonomyang nakabatay sa pera (‘money economy or money-based economy’).

Sa batayan ng pag-unlad ng pera, sumulpot, lumaganap at umunlad ang sistemang pautang (‘credit system’).

Kaya bukod sa pagiging isang ekonomyang nakabalangkas sa pera, ang maunlad na kapitalistang moda ng produksyon ay isa ring ekonomyang kung saan palaki-nang-palaki ang ginagampanang papel ng pautang sa pagtakbo nito (‘the developed capitalist economy is both a money economy & a credit economy’).

Mahalagang rekisito, kung gayon, ang isang antas na pag-unawa sa kalikasan ng pera, gayundin sa sistema ng pautang upang masapol ang esensya ng krisis sa pinansya ng kapitalismo.

Sang-ayon dito, kailangang maikling talakayin ang na usapin ng mga gamit (‘functions’) ng pera.

Ano ang mga gamit o papel ng pera?

Sa kasaysayan, lumitaw ang pera bunsod ng pag-unlad ng produksyon at palitan ng mga kalakal. Kaalinsabay ng pag-unlad na ito, ang papel at mga anyo ng pera ay umunlad din.

Unang umiral ang pera bilang midyum ng palitan at ito’y dulot ng kanyang papel bilang yunit opamantayan sa pagsukat ng halaga. Ito ang dalawang batayang tungkulin o gamit ng pera.

Sa ibayong pag-unlad ng sistema ng produksyon at palitan ng mga kalakal, lumawak ang papel ng pera. Bukod sa dalawang papel na nabanggit, gumagampan din ang pera bilang gamit sa pag-iimbak ng yaman (‘as means of hoarding or storing wealth’), gamit sa bayaran (‘as means of payment’) at bilang pandaigdigang pera (‘as world money’).

Nakakapagsilbi ang pera bilang midyum ng palitan o sirkulasyon ng mga kalakal dahil sa katangian nitong bilang unibersal na pamantayan sa pagsukat sa halaga ng mga kalakal.

Sa pamamagitan ng katangiang ito, nagagamit din ang pera bilang konseptwal na pera (‘conceptual money’), ibig sabihin, maaaring sukatin ang halaga ng mga kalakal maski walang hawak na pera mismo.

Ang presyo ng isang kalakal ay ekspresyon ng kanyang halaga (halaga sa palitan) sa anyo ng pera.

Dalawang salik ang nagtatakda sa presyo ng mga kalakal, ang halaga ng mga kalakal mismo at ang halaga ng pera.

Ang interrelasyon ng dalawang salik na ito ang nagtatakda sa aktwal na presyo ng mga kalakal at nailalahad bilang proporsyunal nang direkta sa halaga ng mga kalakal mismo at proporsyunal nang baliktad (inversely proportional) sa halaga ng pera. Kapag tumataas ang presyo ng mga kalakal, ito’y nangangahulugang bumababa ang halaga ng pera (implasyon), gayundin sa kabaliktaran (vice versa?).

Habang umuunlad ang relasyong nakabatay sa pera ng sistemang kalakal, lumalaki ang lugar ng pera bilang simbolo ng panlipunang yaman. Kaya sa karaniwan, nakikilala ang mga taong mayayaman sa laki ng kanilang imbak na pera.

Kapag ang perang naiipon ng isang may-ari ay iniimbak, ito ay pansamantalang naaalis sa sirkulasyon ng mga kalakal. Ang perang ito ay simpleng itinuturing na di aktibong pera (‘hoarded money considered as idle or inactive money’).

Sumulpot ang papel ng pera bilang gamit sa bayaran nang umunlad ang mga transaksyong nakabatay sa utang (‘credit’).

Pinahintulot ng gayung kalagayan ang pagbili ng kalakal sa pamamagitan ng utang at naipapatupad ang bayaran sa pera pagdating ng itinakdang araw ayon sa kasunduan ng nagbenta ng kalakal at ng bumili nito.

Noong una, ang pera, bilang gamit sa bayaran, ay ginagamit sa labas ng saklaw ng sirkulasyon ng mga kalakal—sa pagbabayad ng upa, buwis at interes sa perang inutang (karaniwan, ang perang inuutang ay ginagamit sa komersyal na aktibidad o para sa pagtugon ng kagyat na mga pangangailangang personal).

Ang pag-unlad ng pera bilang pandaigdigang pera ay resulta ng pag-unlad ng pandaidigang kalakalan.

Noong una, ang ginto at pilak lamang ang tinatanggap na pandaigdigang pera na ginagamit bilang midyum ng palitan ng iba’t ibang kalakal sa pagitan ng mga bayan o bilang gamit sa bayaran sa pagtupad ng mga obligasyong internasyunal (‘settling of international accounts’).

Sa mga panahon ding ito (merkantilismo), ang akumulasyon ng isang bayan ng ginto’t pilak mula sa paglilipat ng mga ito mula sa ibang mga bayan ay itinuring na palatandaan ng pagyaman ng bayang iyon.

Organikong nagkaka-ugnay ang limang nabanggit na papel ng pera at ang mga ito’y ang iba’t ibang ekspresyon ng kanyang kalikasan. Pero ang pinaka-esensyal sa lahat ay ang panlipunang batayan ng pera.

Bilang pamantayan ng halaga, ang pera ay nakabatay sa paggawa ng tao. Ito’y alinsunod sa batas ng halag>

Nasa kaibuturan ng krisis pinansyal ng kapitalista ang kontradiksyon sa pagitan ng pera at ng kalakal kung saan nakasangkap ang paggawa ng tao.

About these ads

Entry filed under: News. Tags: .

Alaminos has most number of MRF in Pangasinan EDITORIAL: Youth not interested in education

1 Comment Add your own

  • 1. dhang  |  January 10, 2013 at 7:27 pm

    naku ;>

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 314,934 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

November 2011
S M T W T F S
« Oct   Dec »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 37 other followers


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 37 other followers

%d bloggers like this: