Pagiging matapat

June 19, 2009 at 8:39 pm 2 comments


susan2Naiipit na ang ilang barangay officials sa mga pulitiko na lumalapit sa kanila para humingi ng suporta. Ito ay ang mga officials hindi pa nakakapili at kung makapili man ay stick to one sila.

Ngunit iba naman ang nararamdaman ng iba, marami na ang mayabang at kadatungan ang nasa isip ngayon. Kilala lang naman daw kasi sila kung may kailangan sa kanila at lalo na kung panahon ng eleksyon. Weder weder lang! Maririnig na naman ang malakas na bulungan “depende kung sino ang mas mataas ang offer or the highest bidder wins.”

Pero mayroon pa ring mga leaders na likas na matapat, pinananatiling buo ang dignidad at respeto sa sarili.

Lagi kong naririnig kay Rep. Rachel Arenas sa kanyang mga talumpati ang halaga ng pagiging matapat o loyal. Kaya nga nakuha raw niya ng buong buo ang tiwala ni PGMA dahil hindi siya balimbing. Kaya nga buhos ang biyaya ngayon sa 3rd district ng Pangasinan dahil sa kanyang unquestionable loyalty sa Pangulo. Kaya nga hiling din nito sa kanyang mga leaders “be loyal at tayo’y magsasama ng matagal!” Sino daw ba naman ang mas dapat makinabang sa mga biyayang proyekto kung hindi ang mga taong tapat makisama.

Katulad din ng naririnig ko kay Arenas, sinabi ng isang kapitan ng Dagupan City na maari siyang humarap kanino man ng taas noo dahil ibinibigay nito ang 100% support sa sino mang sasamahan nito. Ang tinutukoy kong kapitan ay isang leader ni dating mayor Benjamin S Lim na nanatiling nasa tabi ni BSL noong nakalipas na eleksyon kung saan naging mahigpit na kalaban nito si JDV sa pagka-kongresista. Hindi rin umano nito interest ang anumang pabor na makukuha niya sa kanila, ang mahalaga ay mapanatili nito ang respeto sa sarili at pagtitiwala sa kanya ng tao bilang isang leader. Mairap so baligtarin o pigar-pigar kuan!

Sinabi pa ng kapitan na mas nakakalamang sa puso niya si Manay Gina, bukod sa maka-masa at madaling lapitan, marami ng naitulong sa kanilang barangay ang dating speaker. Ano pa daw ang mahihiling nila kung saka-sakali? Combo pack ang offer, may Manay Gina ka na may JDV ka pa.

Hindi na rin siguro mahihirapan si Manay Gina na mangampanya sa darating na eleksyon. Sanay na sanay na ito. Sa lahat ng lakad ng dating speaker ay nasa tabi niya ito at laging naka-alalay.

Malaki din ang impact ng proyekto nitong Haven for women, haven for children at Inang Inulila ng Anak (INA) Foundation. Mga proyektong tumutulong sa mga naaabusong mga babae, para sa mga inabandonang mga bata at batang kalsada at pagtulong sa mga inang namatayan ng anak. Mahirap pantayan ang isang babaeng leader na naging ina, anak, kapatid at kaibigan ng lahat.

Mahirap din mapantayan ang pagiging maalalahanin nito. Kung umaalis ito, mapa-abroad o diyan lang sa tabi-tabi, pagbalik niya tiyak may pasalubong ang lahat. Witness ako dyan, bags, shoes, blouse, bracelets at kahit anong maliliit na bagay na nakakatuwaan niyang ipamigay. Para sa mga ordinaryong tao, ang mapag-aksayahan ka ng oras ng isang asawa ng speaker ay napakalaking karangalan. Tuloy-tuloy kasi at walang patlang ang malambing na pakikisalamuha nito sa mga tao.

Pero alam naman nating lahat iba na ang eleksyon ngayon. Maaaring malimutan ng iba ang lahat ng naipakitang maganda kung tinapatan na ito presyo o ng magagandang pangako. Mahirap umiwas sa tukso.

Pero ulit, marami pa rin naman ang hindi kayang tapatan ng salapi. Isa na ang kapitan na nakahuntahan ko. Alam nito ang kasabihang “ Follow the golden rule by treating others as you want to be treated. Be loyal and expect trust and loyalty in return!”

About these ads

Entry filed under: Opinion. Tags: .

Espino orders fast probe of medicine dug up at Capitol compound Serendipity: Rapunzel, fairy tales, women and battered women

2 Comments Add your own

  • 1. potchikea  |  July 14, 2009 at 6:36 pm

    sana nmn po maayos ang inyong pag susulat dahil ang tinatanong ko po ay pagiging matapat..(patawad po sa mga na hurt)

    Reply
    • 2. jessicajung.millee  |  January 17, 2011 at 6:52 pm

      tama po kayu dyan..

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 361,513 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 43 other followers


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 43 other followers

%d bloggers like this: